Ang araw ng lokal na kompetisyon ay dumating na. Ang CK Club ay naghanda ng matinding pagsasanay at ilang linggong paghahanda upang magtagumpay. Ang kanilang mga mata ay nakatutok sa pagkapanalo, ngunit sa likod ng kanilang mga kalaban, ang isang tao na hindi nila inaasahan ay nagpakita upang magbigay ng suporta — si Monique. Sa loob ng CK Club, habang nagsisimula ang kanilang huling briefing bago magsimula ang laro, tahimik si Julian. Hindi siya madalas magsalita, kaya’t nang bumulong ang isang player, "Boss, okay lang ba ang lahat? Mukhang tahimik ka." "Huh, what else is new?" sagot ni Julian nang wala masyadong emosyon. Hindi niya binanggit ang mga saloobin na mayroon siya tungkol sa kompetisyon. Ang mga players ng CK Club ay abala sa kanilang mga huling paghahanda, ngunit hindi maika

