Sa isang exclusive na bar sa sentro ng lungsod, nakaupo si Julian Marco Fernandez sa isang VIP booth. Naka-black suit siya, pormal at maangas ang datingan, habang tahimik na umiinom ng whiskey. Ang mga ilaw ng bar ay dimmed, at ang jazz music na tumutugtog sa background ay nagbibigay ng elegante ngunit malamlam na atmospera. Sa tapat niya, naroon ang isang lalaking halos kasing edad niya—si Ethan Maxwell, isang kilalang boss ng gaming team sa US. Isang beses na silang nagkaharap noon sa isang malaking torneo, kung saan natalo ni Julian ang koponan ni Ethan. Ang talong iyon ay tila hindi pa rin nalilimutan ni Ethan. "Julian Marco Fernandez," simula ni Ethan habang umupo sa harap ni Julian, bitbit ang isang baso ng bourbon. "I never thought I’d see you here. Retired but still holding that

