LAUREN'S POVS Matapos ang pag-uusap na iyon, taas noong umalis si Jackie sa harapan namin na tila nanalo sa argumento. Sabagay nanalo talaga siya dahil hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pagkalayo niya, balisa akong tumingin kay Fizz. Hindi ko inexpect na ganun ang ginawa ni Jade Joshua sa akin. "Hush, come here," niyakap ako ni Fizz saka hinagod sa likod. Ayoko ng masaktan ng paulit ulit sa iisang dahilan. Tama na yung drama. Gusto ko namang sumaya pero sobrang sakit talaga. Dahil nawalan na ako ng gana magstay sa mall, inaya ko na lang si Fizz na kumain sa karendirya. Tinawagan ko din si Celes para makapagkita kita kami. Pagdating namin sa karendiryang medyo malapit kila Celes, agad namin siyang nakita. "Wala manlang para sakin?" Tanong ni Celes ng makita ang mga paper bags. "S

