LAUREN'S POVS Matapos ang araw ng oh-so-called date namin ni Fizz, bahagya akong umiwas sa kanya. Hindi ko maintindihan pero tila may nagbago matapos ang araw na iyon. Feeling ko nagkakagusto na ako sa kanya-- pero hindi pwede?! Magkaibigan kami. Ayokong masira pagkakaibigan namin. Saka, paano si Joshua? Hays. "Tawagan natin si Fizz--," bigla kong inagaw ang cellphone ni Celes na ikinabigla niya. "Wag na. Tayo na lang ang manood," tugon ko. "Huh? Bakit? Nagtalo ba kayo? Parang nung isang araw lang nagdate kayo ah," sabi niya saka umayos ng upo. Nandito kami sa salas ng bahay nila Celes. Nasabi ko kasi sa kanyang wala akong magawa kaya agad siyang nagoffer na manood daw kami sa kanila. "Di date yun no," depensa ko saka inilapag ang cellphone niya sa lamesita. "Saka baka busy yun kaya

