LAUREN’S POVS Nakangiti akong nakatitig sa maamong mukha ni Fizz habang mahimbing itong natutulog. Gaya ng sinabi niya, naituloy nga naming ang hindi naming natapos noong nakaraan araw. Sobrang naging mapusok ang naging gabi naming dalawa at inaaming kong bahagya akong naging aggressive s mga kinilos ko ng gabing iyon. “Stop staring, love,” kumunot ang noo ko ng magsalita siya. Nakapikit pa din kasi siya’t blangko ang mukha. “Kanina ka pa ba gising?” Tanong ko, idinilat niya ang mata niya’t mapungay na tumingin sa akin. Matamis niya akong nginitian saka ako pahilang niyakap. “Love--,” di ko na natapos ang sasabihin ko ng pumaibabaw siya sa akin. “Good morning,” saka niya ako hinalkan sa noo. Napatitig ako sa kanya’t napangiti. Ibang iba siya kay Jade Joshua. “Good morni

