LAUREN'S POVS Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nasa loob kami ng bahay nila Mako. Nakaupo ako sa mahabang sofa habang nakaupo naman ang papa ni Fizz sa single na sofa sa gilid ko. Kanina pa siya tahimik at nakatitig lang sa akin na talagang nagpapakaba sa akin. Ramdam kong malamig na ang pawis ko dahil sa takot. "So, you're my son's boyfriend?" Marahan akong tumango sa sinabi niya. "Tumingin ka sakin." Ayoko sanang tumingin pero nakakatakot ang boses niya kaya may pag-aalinlangan man ay tumingin na lang ako sa kanya. "Sir, yung narinig nyo po kanina--," hindi na niya ako pinatapos. Nagkrus siya ng braso niya't nagsalita ng muli. "I actually don't care about that. Kung anong balak mo sa anak ko, nasa iyo na iyon," tugon niya. Hindi pwedeng ganun! Gusto kong malaman mong hindi po i

