KIDE'S POVS Dahil Holiday ngayon at walang pasok, naisipan kong tawagan si Celes para ayain siya makipagdate pero bago ko pa siya matawagan ay nagflashback sa akin ang sinabi ni Jade na kailangan kong bigyan ng time si Celes para sa sarili niya, na baka nagiging clingy na ako. Napailing na lang ako't binitawan ang cellphone ko. Nakakatamad bumangon sa kama, wala naman kasi akong gagawin. Muli na lang akong natulog at ng magising ako, lagpas alas dose na ng tanghali. Bumangon ako sa higaan ko dahil nagugutom na ako. Nagluto ako ng itlog at nagsaing. Habang naghihitay akong maluto ang kanin, tinext ko si Celes ng hello baby wala namang masama doon, diba? Naluto na lahat lahat ang sinaing ko, hindi pa din siya nagrereply. Napabuntong hininga ako saka kumain. Hindi ko talaga maintindihan,

