Bryan's POV Nang makadaung na ang yacht isa-isa na silang bumaba at hinintay ko si Len na bumaba. Nang makababa na silang lahat tinawag na nila ako. "Hali ka na." sabi pa ni Kathy. "Susunod ako.." at naglakad ako papunta sa dulo ng yacht. Nagmamadali akong naglakad papunta don at hindi ko na siya nakita don. Hindi naman ako mapakali kasi hindi siya mahagilap ng mga mata ko. "Len!" tawag ko sa kanya. "S-s-sungi--" agad naman akong napatingin sa likod ng pinto ng yacht at nakita ko siya hawak hawak ang parte ng dibdib niya. At nahihirapang huminga. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. "what's wrong!? Anong nararamdaman mo sabihin mo!" pasigaw na na tanong ko. "Wag k-kang s-sumigaw b-bwisit ka!" nahihirapan niyang sabi at sinapak ako sa mukha. Binuhat ko siya at dinala sa loob

