Umaga na at kasalukuyan parin akong nakahiga sa kama ko. Hinatid nga pala ako ni Bryan kagabi at alas dose na akong natulog dahil sa pagiisip sa nangyari kagabi. Hay! Ewan! "Anak!" biglang sigaw ni mama. "hhmm," sagot ko lang. "Ano ka ba! Bumangon kana dyan! Umaga na!" pasigaw na sabi niya. Dinilat ko naman ang kanang mata ko at nakita siyang nakapamiwang. "Alam ko ma!" inaantok na sabi ko. "Oh siya sige! Bahala ka dyan! Wag kang maghanda sa masquerade ball nyo.." narinig ko na lang na sinara niya na ang pinto. "Masquerade daw? Wala nam-- MAAAAAA!!" agad na napabalikwas ako ng bangon! At dali-daling bumaba ako sa hagdanan. Hiningal naman ako sa takbong ginawa ko. "Hoy! Wag kang tumakbo!" naiinis na sabi ni mama. "S-sorry n-naman!" hingal na sabi ko. "Ayan kita mo na, tatawagin ko

