“Vera! Here!” kumakaway na tawag ni Lexi. Nagpasalamat ito sa cashier saka kinuha ang card na inabot nito. Pagkatapos ay kinuha ang plastic bag na may laman na mga gamot saka mabilis na sumalubong sa kanya. “Para kanino ang mga gamot na ‘yan?” nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa plastic bag na dala nito. “Eto?” Itinaas nito ang kamay na may hawak na bag sa harapan niya. “Para kay Kuya Grant ito na dadalhin mo sa penthouse niya,” anito na kumindat pa sa kanya. Gulat na tiningnan niya ang kaibigan. “A-ano? May sakit si Grant? Bakit?... Anong nangyari sa kanya?” Tumawa ito saka humarap sa kanya habang nang-aasar na tinitigan siya. “Ang obvious, girl, ah!" Agad na nawala ang kunot sa noo niya nang ma-realize ang ibig nitong sabihin. Tumikhim siya saka bahagyang iniikot ang mga

