“Okay lang ang mag-inom but in moderation,” saad ni Jasper habang inililigpit nito ang medicine box na dala nito. “I can’t believe na halos ubusin mo na raw ang alak sa bar ni Toby at ang dami mo pang binasag sa mga wine collection niya… Anyway, maganda naman ‘yan naisip mong paraan. Effective naman, ‘di ba?” Ngumisi ito saka nilingon ang nakasaradong pinto. “Anong paraan?” takang tanong niya habang bumabangon sa kama. “Tsk! Maang maangan ka pa. Hindi ka naman tinatamaan ng alak pero nagawang mong utusan ang katawan mo na magkasakit nang dumating si Vera.” “Ulol! Umalis ka na nga. Wala ka naman naitutulong sa akin,” naiinis na taboy niya sa kaibigan. Nasapo niya ang ulo nang muling maramdaman ang pagkirot nito. Pakiramdam niya ay nagdedeliryo siya kagabi sa sobrang taas ng lagnat niya

