“Sinasabi mo ba na gawa-gawa ko lang na ninakawan ako? At sinadya kong babarin ang sarili ko sa ulan para magkasakit ako?” hindi makapaniwalang tanong niya. “What do you think is my ulterior motive para piliin kong pahirapan ang sarili ko para lang makalapit sa inyo? At saka, kung may binabalak akong masama eh di sana nagpaampon na rin ako sa kanila, hindi ba?” Nagkibit ito ng balikat saka sandaling sinulyapan siya pagkatapos ay binagalan nito ang pagmamaneho. “Okay. I’m sorry if I suspected you,” mahinahong hingi nito ng paumanhin. “Maybe I’m too protective of Tita Grace. Siya na lang kasi ang natitira kong pamilya and I know how she suffered for so many years kaya gusto kong maging masaya siya." Huminto ito sandali saka malayo ang tingin na nagpatuloy. "Because she deserves it. At si Ti

