I Wish
Mula noon hindi ako naniwala na balang araw meroong makakaitindi sa akin, sa ugali ko, sa takbo ng utak ko. Oo, utak talaga at syempre pati na rin ng nararamdaman ko. Sa tingin ko kasi ako na lang ang makakaintidi sa sarili ko.
Pero nagbago lahat ng makilala ko sya, sya yung tahimik na tao na nakilala ko. Akala ko nga noon di ko sya makakaclose kasi hindi sya pala imik, kaibigan sya ng kaibigan ng kaibigan ko. Gets nyo...
Pero pagdaan ng ilang buwan aba si kuya kinausap ako. Nagtanong sya kung ano daw yung paborito kong flavor ng cake. Syempre ako nagtaka kung bakit nya tinanong kaya sabi ko. 'Chocolate yung sa Red Ribbon, bakit bibili mo ako?' Akala ko tatawa pero umiling sya at sinabing 'Hindi, wala akong pera eh.' Edi ayun natawa ako. At ayun na nga madalas na kaming mag-usap at kaya pala nya ako tinanong kasi inutusan sya ng bff ko.
Surprise sa 19th b-day ko, oh diba effort sila at red ribbon nga nila binili. Mula noon naging halos close na kami, nasa 3 taon pa ang lumipas magkakaibigan pa rin kami kahit 2 years ko na silang di nakikita dahil nagwowork na kami. At aba 23 na ako.
Nagkita-kita kaming muli for 3 days nagbonding kaming lahat. Masaya kami, kwentuhan, tawanan at syempre ang ilan may kasama ng jowa. Matapos nun may nagchat sa akin at iyon na nga sya. Txt, chat, call, video call na halos sya ang nangunguna. After 5 months na ganun ang routine nagkita kami at ayun na nga niligawan nya ako.
10 months syang nanligaw at sinagot ko na sya..... Doon nag-umpisa ang lahat at ngayon mag-3 years na kami. Yehey...
26 na ako grabe bilis ng panahon may business na rin ako at sya naman architect. Dati winiwish ko lang yung ganito, pero diba this is unbelievable pero ano pa bang magagawa ko, swerte ako eh. Inggit kayo? Hehehe ok lang yan balang araw dadating din yung para sa inyo. Hintayin nyo lang...
Magkasama kami ngayon dito sa Mall nanonood kami ng sine, kumain, bumili, at syempre nagharutan.. hahaha joke lang walang harutan normal lang. Lumabas kami ng Mall tapos pumunta kami sa Park. Doon nagtanong sya....
'Masaya ka ba sa relasyon natin?' Seyoso nyang tanong. Ako ayun nakatingin sa kanya habang sya nakatingin sa kung saan sa harapan namin....
'Oo naman, masaya ako. Alam mo kung bakit?' Tumingin sya sa akin...
'Masaya ako kasi sa buong buhay ko may nagtanong sa akin ng.... kamusta ka na? Inaalala ako araw araw kahit noong hindi pa tayo. Tinanong mo ako kung bakit parang iba ang mood ko. Napansin mo yun kahit na hindi pa naman tayo lubos na magkakilala. Tapos nafeel ko na talagang seryoso ka sa akin." Ngumiti ako sa kanya habang sya nakatingin sa akin. Humarap ako sa ibang direksyon baka maiyak ako eh. Ganun kasi ako mas naiiyak kapag may nakatingin sa kanya.
'Naiintindihan mo ako kahit na walang kwenta yung kwento ko, kahit medyo selfish atsaka childish. Lagi mong sinasabi na, Kaya ka ganyan kasi gusto mo na maintindihan ka. You gave advice, at ikaw lang yung naramdaman ko na totoong niniwala sa mga kakayahan ko. Na kaya ko lahat na kahit magkamali ako ok lang kasi sadyang ganun ang buhay.' Lumunok ako tapos kinurap-kurap ang mata ko naiiyak na ako eh.
'Nagpapasalamat talaga ako at nakilala kita.' Pumatak na yung luha ko tapos parang kasunod na yung sipon ko kaya tumungo ako.....
'Hindi mo ako iniwan, you're always there. Kahit na ako hindi kita madalas naiintindihan. At yung favorite ko na sinabi mo na..... Bakit ka susuko kung ganun na nga ang tingin nila sayo diba dapat mas lalo kang ganahan dahil pagnapatunayan mo na kaya mo, isampal mo yun sa kanila. Dahil kahit anong mga sinasabi nila nagawa mo parin. Na kahit lapas na sila umimik dahil hindi ka nila naiintindihan, nagawa mo pa ring unawain sila.......Pinatahan nya ako, binigay nya yung panyo nya at pinunasan ko ang aking sipon at luha... Tiningnan ko sya at nagulat ako sa sinabi nya......
'Alam mo ba kung bakit kita nagustuhan?' Tumitig sya sa akin.. aba nga naman ang ganda ng topic namin... Bakit nga ba? Umiling lang ako, hinawakan nya ang kamay ko.
'Kasi sa lahat ng tao na nakilala ko ikaw yung may nakakalungkot na kwento. Pero kahit ganun, ngumingiti ka pa rin at nagagawaaang magpatawa. Kasi kung sa iba baka hindi nila iyon kayanin. You suffer so much pain in your heart. In the way na nagawa mong kimkimin yun at hindi ipakita sa iba. You never share your true feelings, pero hindi iyon healthy katulad ng sinabi ko "Learn to share or let go.... Forgive and be thankful"
Niyakap nya ako, nakatuwa na ganun pala ang tingin nya sa akin. Nagustuhan nya ako tinanggap nya ako. Napakasarap sa pakiramdam.
'Dito ka lang, bibili lang ako ng tubig. May kukunin din ako sa sasakyan' tiningnan nya ako sa mata. 'Masayang masaya ako na nakilala kita, iyakin mo talaga.' ngumuso ako, nginitian nya lang ako. How can he easily say that cheesy words.
Nakatingin ako sa kanya habang palayo sa akin, lumingon syang muli at ngumiti sa akin.
Hindi ko inakala na darating yung ganitong pangyayari sa buhay ko. I'm happy for everything that god gives me, to all the experiences that I encountered.
Hindi na ako nakapagintay pa kasi mainipin ako kaya naisipan ko ng umalis at sumunod sa kanya. Malapit sa ako sa kalsada ng may makita akong lalaki na may hawak ng bulaklak. Naalala ko lang noong 1st Anniversary namin binigyan din nya ako ng red roses isang bouquet ng puro red roses. Naalala ko rin nung nag-away kami, umiyak ako ng umiyak dahil nagkaroon kami ng misunderstanding. Tapos nung about sa courting nya sa akin sinabi nya na 'You should decide not only using your brain but also your heart, decide cause you want it, cause you know it's true.' Mga ganun, hwag magpadalos-dalos kasi marami pang oras kasi sa oras na nagkamali ka hindi mo na maitatama pa. Oh diba, iba sya magsalita... Kaso sa akin lang dw sya madalas ganun.
Nakarinig ako ng hiyawan malapit sa pwesto ko kaya nagtaka ako kung bakit. Nung tingnan ko sa may kalsada parang may aksidente, hindi ko alam pero sumilip ako at hindi ko inaasahan yung nakita ko....
'Kenth??' Napaluha na lang ako sa nakita ko. Lumapit ako doon at sya
'NO!!!!! Kenth?? Please... oh god....' andaming dugo, sa ulo nya. Anong gagawin ko??
"Iniligtas n-nya ang anak ko.. I'm sorry..' sabi nung babae pero di ko na sya napansin. Hinawakan ko si Kenth sa mukha.
'Tumawag na kami ng Ambulance.' Sabi pa nung isa pero umiiyak na lang ako.
Nagulat ako ng mumulat sya.
'K-kenth s-tay with m-e..... Ple..please.' ngumiti ito na lalong nagpaluha sa akin.
'You, you promise m-e, right. I-kaw at ako....... hindi ko na maituloy ang sinasabi ko dahil sa kakaiyak.
Hwag mo akong iiwan gusto ko yun sabihin kaso nahihirapan akong masalita... I look around, hindi ko alam ang agagawin ko. Umiiyak lang at nanginginig na sa nangyayari.
He smiled yun lang ung nagawa nya tapos nawalan uli sya ng malay. Dumating na yung Ambulance at nakapasok na sya sa Emergency room, umiiyak pa rin ako. Kahit anong pigil ko hindi nauubos ang luha ko. Hindi na nga ako makapagcall sa phone ko sa nginig ng kamay ko.
Dumating yung parents nya at friends namin... almost 5 hours na syang nasa ER.
Tiningnan ko sila tita at tito, hawak naman ni Mia ang kamay ko... Still crying.....
5 months later.......
5 months na ang nakalipas at nandito pa rin sya sa Hospital. Nacomatose sya matapos ang aksidente, yung batang iniligtas nya sa aksidente ay kadalasang bumibisita. The kid is just 5 years old at laking pasasalamat ng magulang nito kay Kenth. At laking pasasalamat ko na kahit papaano nakaligtas sya. Sana talaga magising na sya, dahil sa araw-araw baka hindi ko na kakayanin. Sabi ng Doctor 50/50 daw, maaaring magising sya at maaring hindi na at mawala na sya......
'Hay, Stay Positive. Magigising sya.' sabi ko sa sarili ko.
Lumipas na ulit ang 1 buwan pero wala pa rin, nandito ako ngayon katabi nya. 'Huy, kailan ka ba gigising ha? Anim na buwan na, matagal ka ng nagpapamiss. Bigyan mo ulit ako ng advice, yung mala word of wisdom mo. Alam mo si Tita, Mama mo, umiiyak sya everytime na nakikita ka nya dyan. Alam mo minsan naiisip ko na ako na lang sana ang nandyan kasi wala naman akong Magulang na mag-aalala, malulungkot kasi wala na sila. Pero alam ko papagalitan mo ako kasi ganito ang iniisip ko. Gumising ka na kasi eh, para na akong tanga oh.'
'Pag gumising ka, may prize ka sa akin. Kaya kung gusto mo na makuha yung prize mo, gumising ka na'
'Uy, yung mga client mo hinahanap ka na daw. Nagustuhan daw nila yung ginawa mo, successful ka na talaga ano? Marami pa akong ikokwento hangang...... hangang sa ma-maubusan na ako ng laway.' Lumunok ako, tiningnan ko yung mukha nya. Bumuga ako ng hangin...
'Alam mo, may narinig ako tungkol sa mga katulad mo n-na Co-coma' pinunasan ko yung luha ko bago ngumiti.
'Sabi nila kapag kinakakausap daw ang isang nasa coma, naririnig din daw nila yung kinukwento ng nagbabatay sa kanila lalo na daw kung yung taong kumakausap sa kanila ay mahal nila sa buhay... o taong malapit na malapit sa kanila. At alam mo yung nangyayari......' hindi ko na napigilan napaiyak na talaga ako.... dahil umaasa ako na talagang magising na sya.
'A-ang nangyari nagigising daw yung mga nacomatose. Oh diba, kaya kahit mapaos ako, maubos laway ko kakausapin kita at kwekwentuhan ng mga nangyayari sa mundo.' Pinunasan ko ang luha ko tapos lumapit sa kanya, hinalikan ko sya sa pisnge at sa noo.
'Please wake up, my love....'
...........
Her parents die 6 months old pa lang sya, pero bago sila mawala sa piling nya marami ng plano ang mga magulang nya para sa kanya. They name their baby, Wish, dahil ang baby nila ang kanilang talagang hiniling sa Ama. 8 taon ng silang mag-asawa pero hindi pa rin sila magkaanak kaya ganun na lamang ang hiling nila na magkaroon at ng ito ay tinupad iyon ang ipinangalan nila dito.
Si Wish ay lumaki sa Isang ampunan pero umidad na sya ng 12 wala pa ring umaampon sa kanya. Nag-aral sya ng mabuti kahit na maraming nangbubully sa kanya. Na kahit na anong marinig nya iniintindi na lang nya iyon.
Noong panahong bata pa sya naalala nya lahat, 12 sya ng maisip nya ng tuluyan ang mga nangyayari. Naisip nya na bakit nangyari iyon, wala syang pakielam noon pero noon naguumpisa na syang mag-isip. Bully sa loob at labas ng paaralan. Hindi na sya tumira sa ampunan ng pumayag sya na sumama sa Tiyahin nya.
Sa edad na 12, masaya man sya nandoon pa rin ang konting pangungulila sa totoong magulang. Tinulungan sya ng kanyang Tiyahin at iba pang kamag-anak. Lumaki si Wish na wala syang malaking goal sa buhay, na kahit nandyan yung mga taong nagaaruga sa kanya. Hindi kasi sya marunong magkwento patungkol sa nararamdaman nya, nahihiya sya. Not until she discover more sa pagdaan ng panahon.
Oo, hindi nya magulang ang umaakyat sa stage sa graduation, oo hindi sya palakaibigan, oo di naman sya kagandahan, oo may pagkawierd sya... Eh ano naman, this is who she is, that how she will become... Atleast she has true friends, relatives na hindi sya iniwan. Atleast wala syang tinapakan, sinaktan, kahit nagiisa sya.
Sabi nga nya.....
'Yolo 'You Only Live Once, enjoy, be happy, dream big, walang masama na mangarap. I'm proud of who I am coz evertime na may magbaba sa akin I still live, I still loved and be loved, even though sometimes I think negatively. I still stand, I fight.'
And then he came, who gives me more courage to go forward, the one and only My Kenth, Who I can't live without.... Can't I??
TBC....