CHAPTER 121

1423 Words

THISA IRENE Hindi ko talaga alam kung bakit ba kahit sa paggising ko ay inis na inis pa rin ako sa asawa ko. Nakikita ko lang ang pagmumukha niya ay naiirita na ako. Gusto ko na lang siyang sungitan ng sungitan kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. “Misis ko, bakit ba galit ka na naman sa akin?” tanong niya sa akin. “Nakakainis kasi ‘yang pagmumukha mo,” sagot ko naman sa kanya. “Excited pa naman ako na umuwi dahil miss na miss na kita pero mukhang hindi mo naman ako na miss,” sabi niya at bigla na lang itong umalis sa harapan ko. Ako naman itong nakaupo lang dito sa kama namin. Sa tingin ko ay bumaba lang siya pero nang bumaba na ako ay wala na siya. Wala rin ang motorsiklo niya kaya nakaramdam na naman ako ng pagkairita sa kanya dahil sa pag-alis niya na hindi ko alam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD