THISA IRENE “Hindi niya kailangan ang tulong mo,” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ng asawa ko. “Mr. Dela Vega?” sambit niya at hindi yata siya makapaniwala na nasa harap niya ang asawa ko. “Huwag kang lumapit sa kanya, ito na sana ang una at huli,” sabi ng asawa ko sa lalaki. “I’m just helping her,” sabi pa ng lalaki. “She doesn’t need your help,” sabi pa nito at nagsusungit na naman. Alam ko na nagseselos siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya para mabaling sa akin ang atensyon niya at kumalma na siya. “Uwi na tayo,” malambing na sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mapaaway siya. “She’s your wife?” tanong na naman ng lalaki. “Yes, do you have a problem with it?” tanong ng asawa ko at nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki. Hindi yata siya makapaniwala na ako ang asawa

