THISA IRENE After our honeymoon ay back to work na rin kaming dalawa ng asawa ko. Masaya kaming dalawa dahil nakapag-relax kami. Pero nag-relax nga ba kami dahil feeling ko naman ay pagod na pagod ako sa ginawa naming dalawa. Dalawang araw ba naman kaming hindi lumabas sa hotel room namin dahil sa sinulit namin ang araw na nandoon kami. May mga bansa pa nga kami na pupuntahan dahil si tito sungit grabe ang regalo sa amin. Iba talaga kapag mayaman ang pamilya dahil ang lakas ng mga regalo. Ako na lang nahihiya sa kanila pero kasi gustong-gusto nila lalo na si Raleigh ang unang anak na lalaki ni papa gov. Mabuti na lang talaga at pinayagan ako ng asawa ko na magmaneho kaya ngayon ay ako na mag-isa ang papasok sa work ko at gano’n rin siya. Nauna siyang umalis sa akin. Tulad pa rin ng dati

