THISA IRENE “Thisa, wala naman ibang ibig sabihin ang ginawa mo ngayon diba?” tanong niya sa akin. “Kuya, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na thank you. Thank you dahil lagi mo akong hinahatid,” sagot ko sa kanya. “Sa tingin ko kailangan ko ng umuwi,” sabi niya sa akin at tumalikod na siya. “Bye, kuya!” Napangiti na lang ako dahil halata na nagulat siya sa pag-thank you ko sa kanya. Sa tingin ko ay dapat na hindi ako malungkot sa pag-alis niya. Aalis siya kasi mag-aaral siya sa ibang bansa. Sa tingin ko rin ay nandoon ang pangarap niya at wala dito sa Philippines. Pumasok na ako sa loob ng house namin. “Okay na ba kayo ng kuya mo?” tanong sa akin ni mommy. “Opo, mom.” sagot ko sa kanya. “Mabuti naman at hindi ka na nagtatampo sa kanya,” nakangiti na sabi ni mommy. “Siguro po, sad la

