RALEIGH RAYDAM DELA VEGA Ang hirap, sobrang hirap na humaharap ako sa kanya kapag nag-uusap kami sa phone pero soon ay iiwan ko siya at sasaktan ko siya. Alam ko na kamumuhian niya ako. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kung gawin. ‘Yung convincing na talagang magagalit siya sa akin. “Excited na talaga ako sa birthday ko, kuya. You know what, ang ganda ng gown ko,” sabi niya sa akin. “Really, baby?” I’m faking it now at nakokonsensya na talaga ako sa ginagawa ko sa kanya pero kailangan ko itong gawin. “Yes, kuya. Kaya ikaw na lang talaga ang kulang. Kaya umuwi ka ha, umuwi ka talaga kung ayaw mo na magalit ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Opo, baby. Uuwi po ako,” sabi ko sa kanya. “Sige na, sleep na ako. Alam ko naman na busy ka d’yan. Don’t skip your meals and vitamins. Dap

