THISA IRENE I’m here sa isang hotel. Mas pinili ko na dito pumunta para makalayo muna sa kanila. Habang nakahiga ako dito sa kama ko ay nakita ko na tumatawag ang parents ko. Parang ayaw kong sagutin dahil ayaw ko na magalit ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nila hinayaan ang gusto ni Raleigh. Ang gusto ng lalaking ‘yon. Bakit kami naging mag-asawa na hindi naman kami kasal? Paano nangyari ‘yon? Naguguluhan ako, sobrang naguguluhan ako ngayon. Ang akala ko lang talaga ay nagbibiro siya dahil ganun naman siya lagi pero inamin niya na totoo at alam ng lahat. Ang sakit lang na alam ng lahat tapos ako ang hindi nakakaalam. Ako ang walang alam sa mga nangyayari sa sarili kong buhay. Mommy: Baby, please pick up the phone. Mommy: Baby, let’s talk. Mommy: please, let’s talk. Mommy: L

