THISA IRENE “Kaya mo ba akong hintayin?” tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya. “Ano sa tingin mo?” nakangiti na tanong niya rin sa akin kaya napanguso na lang ako. “Ako ang nagtatanong sa ‘yo pero tatanungin mo rin naman pala ako,” sabi ko sa kanya. “Eh ikaw, gusto mo ba na hintayin kita? May aasahan ba ako sa ‘yo?” tanong niya sa akin at bigla na lang siyang naging seryoso. “Paano ko sasagutin ‘yan kung hindi mo sinasagot ang tanong ko?” “Tayo na ba?” “What do you mean by tayo na?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. “Kung girlfriend na kita,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko. “Kuya, ang bilis mo naman yata. You’re not courting me, tapos tayo na. At isa pa, bata pa ako. Hindi ibig sabihin na hindi kita kinontra kanina ay tayo na. Bawal pa akong magka

