THISA IRENE Hindi ko alam kung kailan ba aalis si kuya pero hindi rin naman ako interesado. Hindi ako nagtatanong sa kahit kanino, lalo na kapag tungkol sa kanya. Sa totoo lang ay kapag alam ko na nasa malapit siya mabilis akong nagtatago. Mabilis akong lumalayo, hindi na nga ako pumupunta sa bahay nila. Tinatamad na ako kahit pa minsan si mama na ang nagpapasundo sa akin. Nahihiya lang ako minsan kaya pumupunta ako. Nagpapanggap ako na okay lang ako at hinahayaan ko si kuya na asarin at i-bully niya ako. “Baby, may dalang strawberry cake ang kuya mo.” sabi sa akin ni mommy. “Marami po akong ginagawa, mom.” sagot ko sa kanya. “Baby, okay ka lang ba talaga? Nag-aalala na ako sa ‘yo. Alam ko na iniiwasan mo ang kuya mo pero hanggang kailan mo siya iiwasan?” tanong sa akin ni mommy. “H

