THISA IRENE Takbo dito takbo doon. Nakakatuwa ang asawa ko na panay ang habol sa mga anak namin na sobrang kulit. Umagang-umaga pa lang ay pinagpapawisan na si Raleigh sa kanila. Good exercise na rin naman ito para sa kanila para mas maging masigla sila. Hindi ang lalaking anak namin ni Raleigh ang makulit kung hindi ang babae naming mga anak. Itong prinsipe ng pamilya namin ay talaga namang mabait lang. Kabaliktaran nitong dalawang ito. Limang taon na ang lumipas pero wala pa ring nagbago sa asawa ko. Siya pa rin talaga ang Raleigh na nakilala ko. Masasabi ko nga na mas tumibay ang pagsasama naming dalawa. Hindi niya ako binibigyan ng dahilan para paghinalaan siya. Sadyang ako lang talaga ang laging nagseselos lalo na kapag may mga babae na tumatabi sa asawa ko. Oo naiirita talaga ako

