RALEIGH RAYDAM POV Excited na akong umuwi dahil miss na miss ko na ang asawa ko. Hindi ko sinabi sa kanya na uuwi na ako dahil gusto ko siyang i-surprise. Ang buong akala ko ay mamayang gabi pa ang uwi niya pero maaga naman siyang umuwi. Ang buong akala ko pa ay matutuwa siya na umuwi na ako pero hindi. Dahil kabaliktaran ang nangyari. Dahil nagulat na lang ako. Galit na galit na sa akin ang asawa ko sa hindi ko malaman na dahilan. Binigayn ko siya ng time para mawala ang inis niya sa akin pero mali ako dahil nang magising siya ay mas nagalit siya sa akin. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi iwan na muna siya dahil may bibilhin lang ako. Ang motor ko na lang ang ginamit ko para makabalik ako. Kailangan ko kasing maghanap ng puwede kong i-pang peace offering ayaw ko na magalit sa aki

