THISA IRENE “Kuya, stop staring at me,” saway ko sa kanya dahil kanina pa siya nakatingin sa akin tapos nakangiti pa siya. Hindi ako makakain ng maayos sa ginagawa niya sa akin. “Bakit naman? Ayaw mo ba na nakatingin ako sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Kumakain kasi ak–” “Kumain ka lang, na miss ko kasi ang cute mong mukha. Kaya gusto ko lang sulitin na kasama ka, baka kasi umuwi ka na agad,” sabi niya sa akin kaya biglang uminit ang mukha ko kaya naman yumuko ako para itago ang mukha ko. “Bakit ka naman yumuko?” tanong niya sa akin. “Kuya, stop it!” “Ayaw ko nga, gusto ko lang makita ang mukha mo,” sabi niya sa akin. “Tigilan mo na ako kasi kumakain ako–” Nagulat na lang ako dahil inangat niya ang mukha ko at hinawakan niya ang mukha ko. Dalawang kamay niya ang nasa pisngi ko ngay

