THISA IRENE Nagising ako sa ingay, ingay na mula sa labas. When I open my eyes ay nandito na ako sa room ko. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Kahit pa inaantok ako ay naghilamos ako ng mukha ko at ng mahimasmasan na ako ay lumabas na ako sa banyo para alamin kung bakit maingay sa labas. Baka kasi mamaya ang nag-aaway na naman ang magtito. Nang lumabas ako ay hindi ako makapaniwala na may isa pa kaming bisita. Hindi ko talaga inaasahan na nandito rin siya. “Hi, ate. Good morning,” nakangisi na bati sa akin ni Finn. “Nandito ka rin? Lumayas ka rin ba?” tanong ko sa kanya. “Ate, paano naman ako lalayas kung nasa ibang state lang ako diba. Pumunta lang ako dito kasi wala na kaming class. Dumaan lang ako dito bago ako uuwi sa Pinas,” sabi niya sa akin. “Bakit ka pa dumaan dito? Makikisik

