RALEIGH RAYDAM DELA VEGA Ang makita ang babaeng mahal ko suot ang isang magandang wedding gown ay ang isa sa pinaka-pangarap ko na natupad. Ang ganda niya pero mas lalo siyang gumanda ngayon. Walang paglagyan ang saya sa puso ko habang nakatingin ako kay Thisa na naglalakad ngayon palapit sa akin. Parang naiiyak ako pero pinigilan ko ang sarili ko. “Congrats, kambal. Sa wakas ay maihaharap mo na talaga sa altar,” sabi sa akin ng kakambal ko na katabi ko. “Kaya nga, bro. Ang haba ng pinagdaanan ay dito rin ang naging bagsak namin.” “Masaya ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kapatid ko dahil alam ko na he mean it. “Ako rin, kuya. Masaya ako para sa ‘yo kaya ‘wag ka ng magselos sa akin,” sabi sa akin ni Oliver. “Huwag mo lang titigan ang asawa ko at magiging okay

