THISA IRENE “Bakit naman ako sasabay sa ‘yo?” mataray na tanong ko rin sa kanya. “Bakit naman hindi?” tanong niya pero tinalikuran ko siya para umalis na pero bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa pero dahil nga sa inis ko sa kanya ay tinulak ko siya. Para makalayo ako sa kanya. Dahil may allergy ako pagdating sa lalaking ito. “Kapag sinabi ko na hindi ako sasabay sa ‘yo ay hindi kaya tumigil ka na at umalis ka na!” naiinis na sabi ko sa kanya. Pero nagulat na lang ako dahil ang pasaway na aso na malditang ito ay bigla na lang tumalon at pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ako naman itong hindi makapaniwala sa pagmamaldita niya ngayon. Kanina pa talaga siya. Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko. “Thiara, let’s go na. Uuwi na tayo,”

