Chapter 7

2181 Words
Hawak ang isang lapis ay muling sinimulan ni Dymaun ang pagguhit sa mga pasong ginawa niya noong nakaraan, ng mga hugis na hula ko'y mga dahong animo'y sumasayaw sa ihip ng mabining hangin. Pinong umiindayog ang kaniyang kamay habang gumuguhit. Galit ang mga banyagang mata nito ngunit batid ang rahan ng paglapat ng kaniyang kamay sa ginuguhitan. I know that he's pissed about me not coming over when it is me who insisted and talked about the activity most of the time. I can clearly remember what he looks like after seeing me behind Taco. His bluish-gray eyes held no emotion. His brows were furrowed and his jaws were moving intensely. He bore his eyes at mine like he was asking me to give an explanation on why did I not see and talk to him for two consecutive days. "What are you doing here?" I can feel that he wanted an explanation but I don't want to talk about it in front of my classmates. Mataman ko siyang tinignan pabalik kagat ang aking labi. Tahimik na nakamasid ang mga kasama ko sa amin. "Ahh. Tutulong sana kaming magpinta, pare." Awkward na sagot ni Francis kay Dymaun ngunit parang wala itong narinig at nanatili ang titig sa akin. "I see that you're still not finished with the vases. And, ah-ahm..." I cleared my throat. Kabadong-kabadong akong nakatayo sa harapan niya. I can feel his anger but his eyes hold different emotions now like he is amused with our situation. Damn it. "...we're here to help. If... it's okay with you." Nagbaba ako ng tingin kay Taco na nililingkis na naman ang sarili sa paanan ko. Yumuko ako at hinaplos ang ulo nito. I smiled. I wanted to carry him but he's kinda heavy. Buti pa ang aso mabait sa'kin, and daddy niya napakasungit. "Kuhanin niyo na ang mga pintura, brush, at iba pang kailangan niyo. Paint anything you want on the vases." I smiled. Seeing him this serious while sketching makes my heart thump 115 times per minute. Mabilis kong iniiwas ang paningin ko nang magtama ang mga mata namin. We're working at the back of the pottery. Para siyang simpleng pavilion na nakadikit sa likurang bahagi ng pottery. Abala sina Dessa at Francine sa kanilang iginuguhit. Nagpapalitan pa ang mga ito ng opinyon kung ano ang ilalagay sa dalawang paso na hula ko'y nasa labinlimang pulgada ang taas. Kahapon lang ay iniinda pa rin ni Francine ang paang namaga dahil sa pagkakatapilok sa may lawa ngunit mukhang maayos na siya ngayon. Seryosong inilalapat ni Eron ang brush sa ga-tuhod na paso. Base sa kulay at galaw ng kaniyang kamay, hula ko ay ang starry night ni Van Gogh ang kaniyang ipinipinta. Napangiti ako. Sana all. Si Andrew naman ay hindi ko mawari kung ano ang ginuguhit. Hawak ang lapis ay pinuno ng maliliit at malalaking bilog ang paligid ng paso habang si Francis ay basta nalang ipinapahid ang pintura sa pasong nakatayo sa kaniyang harapan. Abstract daw ngunit naaalala ko ang makulay na lamesang inahinan ng iba't-ibang putahe ng gulay, prutas, manok, at isda para sa tanghalian kasama ang mga nagtatrabaho sa farm. Huli kong tinignan si Joanne. Pasulyap-sulyap siya sa banda ko bago ilapat ang brush na may pulang pintura dito. "Anong pinipinta mo, Jo." Tumayo na ako at lumapit sa banda niya upang mapagmasdan ang kaniyang obra. "Ikaw yan," pilyang ngisi nito sa akin. Pabiro ko siyang binatukan. "Paano naging ako 'yan!? Ni hindi mo maitsura na bulaklak pala yan. Tapos nakabend pa!" "Ikaw nga yan. Tapos siya yung araw na ipipinta ko mamaya." Turo nito kay Dymaun. "Pa'no naging kami yan?" Kunot ang noo kong tinitigan ang ipinipinta niya. "Masdan mo yung kulay ng background at direksiyon ng bulaklak. Tapos dito ko ilalagay ang araw." Itinuro nito ang kanlurang bahagi ng paso. And my thought just made me smile. "You mean, the more the flower moves toward the direction of the sun, the more the sun will fall for the flower?" "Tanga. Akala ko ba science freak ka? Ano, nips ka na ngayon? Imagination mo ang limit? Balik ka na nga don. Ang linis pa ng vase mo." Pagtataboy nito sa akin. Nips yon? Akala ko krim stix. Yum. "At least malinis. Ang dumi ng sa'yo!" Irap ko. "Aba. Style ko 'to no. STYLE!" Nagtatanong ang mga tingin ng mga kasamahan namin, maliban kay Dymaun na abala na ngayon sa pagpipinta, nang mag-angat ako ng tingi. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimulang maghalo ng mga kulay. Nang magpunta kami noong isang araw sa may lawa ay nabighani ako sa maliit na falls na nakakabit dito. Makinis ang mga bato sa paligid nito ngunit ayon sa mga batang naliligo noon doon ay hindi naman madulas ang mga ito. Malinis ang tubig ngunit may kalaliman ang isang parte nito. Pumikit ako at marahang inalala ang itsura ng lawa. Ang mga dahon ng punong tinangay ng hangin at nahulog sa tubig ay natatangay sa bawat paghampas ng mga paa ng mga batang naliligo rito patungo sa ilog. Ang tumatamang sinag ng papalubog na araw sa aking balat ay kaygandang pagmasdan. Natatandaan ko pang kinuhanan ko ng litrato ang aking kamay  na animo'y inaabot ang maliit na talon. Napangiti ako. "Alec, kuhanan mo rin ako rito. Kunwari stolen," tawag sa akin ni Joanne. "Hayan si Andrew. May dalang camera yan." "Nasa loob eh. Chinarge ko. Kukunin ko ba?" Mataman nalang kaming umiling. Oo nga pala at ginagamit iyon para sa documention. Pagkatapos naming mananghalian kanina kasama ang mga nagtatrabaho sa farm ay tumulong kami sa pagliligpit. Kahit na marami kami ay kokonti lamang ang huhugasan dahil sa dahon ng saging nakalagay ang mga pagkain. Ganunpaman ay pinilit nina Joy na sila na ang maghuhugas ng mga maruruming kasangkapan. We are so welcome here. The owners must be really, really kind and generous to their people. The smile on my face remains as I reminisce the memory of the people. Pagdilat ko'y sinalubong ako ng kunot-noong paninitig ni Dymaun. May kaunting pintura sa gilid ng kaniyang matangos na ilong. I slightly pouted my lips as I look at my vase. Nang muli ko itong balikdan ay nakatitig pa rin ito sa akin. Itinaas ko ang isang kilay, animo'y nagtatanong kung ano ang gusto nito. Gustong-gusto mo naman ang paninitig niya ha? "Wala ka pang nagagawa?" He said at bahagyang tumingin sa relong nakasabit sa dingding. "Ahh. Meron na. Ikaw? Tapos ka na?" I am a bit shy. Kanina lang ay malamig ang tungo nito sa akin. Malamig pa rin naman pero medyo nakitaan ko ng emosyon ang mga mata niya. Iritasyon nga lang. Hahahaha! "Almost. Bilisan mo. Patapos na rin ang mga kasama mo." I made a face. Yung kitang-kita niya. "Sungit. Kiss kita diyan eh," bulong ko sa sarili ko at inilabas ang cellphone para kumuha ng litrato bago nagpatuloy sa pagpipinta. Ilang sandali lang ay muli kong nilingon si Dymaun and I can see him suppress an amused smile. I just ignored it and continued painting. Baka madistact pa ako at hindi matapos. After two hours of painting, Francis clapped and cheered for himself. "I'M DONE!" He said. Itinuloy niya ang pagpipinta gamit ang iba't-ibang kulay. Hindi na 'M'. Halu-halo man ang mga kulay ay hindi ito masakit sa mata. "Good job, Francis." Nag-thumbs up pa ako rito ganoon din ang mga babae. Winisikan naman ito ng pintura nina Eron at Andrew. Nagpakawala ito ng mga mura ngunit hindi naman gumanti. "Ayoko na. Baka masira ang abstract artwork ko. Istap na." si Francis. Habang nakikipagtawanan ako sa mga ito ay binalingan ko si Dymaun. Nakatagilid ito sa akin at bahagyang nakatalikod sa iba pa naming kasama. He is so serious about what he's painting. It's like he doesn't care about the other existing things that surround him. He's too focused on the vase like everything doesn't matter to him. Now, I wonder. Ganito rin ba siya kapag nagmahal? Walang ibang nakikita kundi ako lang? Wait... What? Napakurap-kurap ako sa sariling naisip. How ridiculous! Ilang minuto pa ay nakita kong tapos na rin siya sa ginagawa. Pinunasan nito ang pawis sa noo gamit ang kamay kaya't nalagyan din ng pintura ito. I tried so hard to keep my laughter but I just couldn't. He's so adorable. He looks like a green tyrannosaur, ready to blow some fire at any minute. I laughed harder. "You look like a f*****g tyrannosaur, Dymaun." Ngayon ay hinahabol na ang hininga. "Are you cussing again, miss?" Hindi ako nakasagot. Marahan kong kinamot ang aking ilong nang hindi namamalayang may pintura din pala iyon. s**t. He chuckled. "I'll be back. Kukuha lang ng miryenda." Tumango ako nang hindi siya nililingon. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-alis niya at napabuntong-hininga na lamang ako. Tatapusin ko na itong vase na'to! Mabilis nagdaan ang oras. Pasado alas-diyes na at hinahighlight ko nalang ang ibang parte ng larawang ipininta ko ngunit wala pa rin siya. "Alec, saan nagpunta si kuyang gwapo?" Si Deza. Kuyang gwapo? Pinagtaasan ko ito ng kilay at nagkibit-balikat. "Ang sabi ay kukuha lang ng miryenda." They continued chitchatting and roaming around the area when Dymaun arrived. Kasama nito si Tala, isa sa mga kasama sa bahay nina Imang Nena, na may daladalang tray ng cookies at mango smoothie. "Kain po kayo. Medyo natagalan at nagpaluto pa po ang senyorito—" "Tala." Matigas na putol ni Dymaun sa sinasabi nito. "Ayos. Sakto gutom na ako. Salamat dito, pare." Si Francis kay Dymaun. Nangingiti namang kumuha ng cookies at smoothie sina Deza at Francine. Mahina pang humagikgik nang bahagyang mahawakan ang mga daliri ni Dymaun. "Hoy. Wala namang aagaw diyan." Pabiro akong siniko ni Joanne. "Dapat lang. Dymaun is mine." "May Dymaun ka? Patingin." Mangha ko itong tinignan. "I can't believe you. Akala ko ba taga rito ka? You don't know Dymaun?" Mariin ngunit mahina kong bulong dito. Pabalik-balik ko pang inilalahad ang kamay ko sa banda ni Dymaun. "Sa San Carlos pa ang bahay namin." "San Carlos?" "Oo, sa kabilang bayan. San Guillermo pa ito. Basta halos lahat ng mga bayan dito, isinunod sa pangalan ng mga Santo. Spanish influence." "But, you really don't know Dymaun?" "I can't recall. Hindi naman kasi ako madalas dito. Sina Kael ang pumupunta sa amin." I nodded with what she's said. Nag-angat ako ng tingin kay Dymaun at napansing kami nalang pala ni Jo ang hindi kumukuha ng pagkain. Lalapit na sana ako rito nang maunahan niya ako at inabutan na ng smoothie. Akala ko ba galit ka, ha? "Sanaol." Mahinang kantyaw ng mga ito. "Iba talaga si Alec. Laging nakakabingwit." Pang-aasar ni Francis na lagi ko namang pinapatulan. I flipped my hair. "Ikaw kasi kung kani-kanino lang nagpapabingwit. Sabagay mukha kang isda. Napakalansa, Francis." Natapos na kaming magmiryenda at bahagya na ring natuyo ang pintura sa mga paso. Alas onse ay tirik na tirik ang araw ngunit hindi naman namin masyadong ramdam ang init dahil nalililiman naman ng puno ng mangga ang bahaging ito ng pottery bukod pa sa may kataasan ang bubong nito. "Ahh..." Si Eron. "Dymaun nalang. Pasensiya na. Hindi agad nakapagpakilala." Naglahad pa ito ng kamay na tinanggap naman ng mga ito. "Francis, pare." "Andrew." "Cassandra Dezaki. Dessa nalang." "Francine. Twin ni Francis."  Medyo nagtagal pa ang pagkakahawak nito sa kamay ni Dymaun. Napansin ata ni Francis ang titig ko sa kapatid kaya't inawat na ito. "Joanne. Pinsan ako nina Kael." Tinanguan niya ito. "I know." Pilya akong ngumiti at naglahad rin ng kamay. "Baby..." Pinagtaasan ako ng kilay ngunit inabot naman ang kamay ko. Sungit talaga. "Baby?" Mahina nitong sambit dahilan para magtunog malambing ito. Napaawang ang bibig ko. "Yes, baby?" Naghiyawan sina Andrew at Francis habang hindi naman maipinta ang mukha ni Eron. Umiling naman ang tatlong kababaihan ng may ngisi sa labi. "Sabi na! Kayo yung kagabi sa kusina. Walang aawat kay Alec. May mahal nga ata pagkabalik sa atin!" Hindi rin nagtagal ang panunukso ng mga ito. Nagtanong muli si Eron kung ano ang gagawin sa mga vases kay Dymaun. "Papahiran lang ng acrylic resin okaya enamel spray bukas para glossy at hindi agad mabakbak ang pintura." "So, we're done here?" Si Deza. "Ililipat nalang ang mga yan dito sa lamesa..." Turo nito sa mahabang lamesa na nakadikit sa dingding. "...at patutuyuin. Ililiha pa yan para mas kuminis pwede ring hindi na." Nang magtanghalian ay bumalik na kami sa mansion. Gusto sana nila na sa pottery na mananghalian ngunit ayaw ng makaabala dahil nakapaghanda na raw sina Aching Belen sa komedor. Nang matapos kami ay umakyat kami sa kani-kaniyang kwarto upang maglinis ng katawan at umidlip. Tatawag sana ako sa bahay ngunit wala na naman ang cellphone ko. s**t. Nasa upuan ko ata kanina! Muli kong tinahak ang daan patungong komedor nang marinig ang usapan ng kung sino sa kusina. Mukhang si Imang Nena. "—magtatagal, Senyorito." "Opo. Sasabihan ko rin po si Abuelita kung kailan." nakatalikod sa banda ko si Imang at kitang-kita ko na sumimsim ng tubig si Dymaun pagkatapos nitong kausapin si Imang. "Senyorito? Ikaw ang senyorito... Dymaun?" ... (๑•﹏•)  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD