Hindi yata nagfunction ang utak ko sa sinabi niya.
Shit. Bakit hindi ko alam ang isang 'to? Ano bang ginagawa ko noong mga panahong 'yon?
Lumunok ako at tinatagan ang tingin ko sa kaniya, trying to show that I am not affected on what she just said.
"So what?"
"So what?" pag uulit niya sa sinabi ko.
"Stay away from him then—"
"Just because he's your best friend's ex that doesn't mean that we can't be together right? Kaya ba tutol ka?"
"Oo,"
"You can't just order me to do something like this or that, hindi na ako bata ate, I can make my own decision now"
"basta sinabihan na kita"
"It's in the past, dapat hindi mo na inuungkat"
"Wala kang alam, you don't know how much they are inlove back then, parang kayo ngayon—"
I felt a bang on my chest.
"Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan? Parang hindi mo ako kapatid—"
"but sadly, Callen cheat"
To be honest nasasaktan na talaga ako sa mga sinasabi niya. Nag iinit na ang sulok ng mata ko and anytime pwede ng may tumulong luha dito.
"I'm saving you—"
"Ang sama mo!" I said and close the door.
"NAKIKINIG ka ba?"
Napabalik ako sa realidad nang magsalita si Callen.
Napakamot ako ng ulo "Ano nga 'yon ulit?"
Imbes na sagutin ang tanong ko, binigyan niya rin ako ng isang tanong.
"Is there something wrong?"
Honestly, I'm still bothered about what my sister told me, tungkol pala kay ate Shaira ang kaisa isa niyang post sa f*******:. Bigla tuloy akong nainggit.
"I add you on f*******:, confirm me" pagbabago ko sa topic. I hate this.
Kumunot ang noo niya at parang na weirdan sa akin, "Hindi ko na ginagamit ang account ko sa f*******:,"
I got dismay a little bit. "Insta?"
Nag aalinlangan siyang tumingin sa akin bago kinuha ang cellphone niya at binigay ang i********: niya.
"Bakit wala kang profile? Dummy account mo ba 'to? Ikaw ha" biro ko sa kaniya.
"O—"
Una kong nakita ang tatlong magkakaibang litrato ko sa feed niya. It was a stolen shot while I was eating. He unable the comment section kaya hindi ko makita kung anong masasabi ng tao sa picture ko. Kaagad akong pinamulahan ng pisngi dahil doon.
Nang tignan ko ang itsura niya parang wala lang sa kaniya. He is looking at me innocently.
Namangha ako sa feed niya, malinis ito, konti lang ang picture, and most of it are scenery's, umaani ito ng samut-saring likes at comments. Wala itong kahit isang post na picture niya doon, pero kahit na gano'n marami pa rin ang nagf-follow sa kaniya.
Nang tignan ko kung sino ang kaisa isang finofollow niya napahinto ako. Pinindot ko ang back at pinatay ang cellphone ko.
"May problem aba?" he asked
Umiling ako and tried to get back my mood again, why he is still following his ex? nakalimutan? still friends? ano?!
Kinuha ko uli ang cellphone ko para tignan ang account no'ng babae. He tried to get up para tabihan ako but I raised my hand to stop him.
"D'yan ka lang" I said.
Nag aalinlangan siyang umupo uli kung saan siya nakaupo kanina.
I scroll through the feed of err—ate Shaira, I don't know if I can still call her 'ate'.
Callen is looking at me suspiciously pero hinayaan ko lang ito.
Puro siya naka bikini sa mga pictures niya, fashionista at marami rin itong followers. I envy her. I stop scrolling nang makita ang 'hinahanap' ko but deep inside umaasa ako na sana syempre wala akong makitang ganito. I smirk at nag iwas ng tingin. Damn.
Nagulat ako nang biglang may umagaw ng cellphone ko and in a one swift move na sa kamay na iyon ni Callen and he is looking at my phone.
Bahagyang nanlaki ang mata niya doon bago ako tinignan. Ilang beses pa siyang lumunok bago sinubukang lumapit sa 'kin.
"Hindi ako nagseselos" mabilis kong sabi sa kaniya.
Ano naman kung hindi pa rin naka delete ang picture nila sa feed ni Sh—ate Shaira? Ano namang nakakaselos sa naka post nilang picture nilang magkahalikan years ago?
Wala.
Nakita kong lumunok siya and pressed his lips trying hard not to laugh.
Pinanood ko lang siya hanggang sa maka upo siya sa tabi ko. When he placed his arm on my shoulder, tinaggal ko ito at lumayo.
"Mainit," maikli kong sabi.
Kumunot ang noo ko nang makita pinipigilan niya talaga ang tawa niya.
He was about to say something when I cut him off.
"Ano?!"
Then he lost it, tuluyan na siyang tumawa sa harap ko.
"Hayaan mo muna kasi akong magsalita—"
"Ano nga?"
He pulled me on his lap and hug me from behind.
"I know you're jealous—"
I click my tongue and looked at him.
"Hindi" I said at tumingin sa mga tao sa malayo.
"Don't be jealous--"
"Hindi nga ako nagseselos, Isa pang sabi mo magseselos na 'ko" I said which made him laugh.
"Should I ask her to delete the photos?"
My mouth went 'O'
"Gagawin mo 'yon?" I asked and looked at him.
Tumango siya and kissed my shoulder.
But if he does that, they will talk, I mean okay lang naman, pero ex niya 'yon eh, papaano kung marealize niya na...
"Huwag na" I said and get my phone.
"Why" malambing niyang sabi
"Picture nalang din tayo tapos ipopost ko din" balewal ko sa sinabi niya at tinapat sa amin ang camera and smile.
Naka ilang take kami ng picture bago ko binaba ang cellphone ko at nilingon siya.
"Nasaan na si Sh—ate Shaira ngayon?" I asked him.
"Let's not talk about her," sabi niya
"Bakit kayo nagbreak?" pangungulit ko. He did not answer.
"Bakit ka nagcheat?
"What? I didn't cheat, sino nagsabi sa'yo niyan?" he is starting to get pissed.
Sinasabi ko na nga ba! ate is lying, I hate her.
"I date to marry, bakit ko gagawin 'yon--"
"What?! Bakit hindi mo siya pinakasalan?" I said sarcastically and tried to get up but he pulled me and hug me tighter.
Pumikit siya saglit bago magsalita uli " No I mean--It basically mean that I am serious about her kaya hindi ko magagawa ang magcheat"
Nangasim ang mukha ko, serious about her. I can't help but to get bitter.
"So bakit nga kayo nagbreak?" mapait kong sabi.
"Let's not do this," he said at nag iwas ng tingin.
"bakit?" I ask and lift back his head.
"Just don't want to"
"bakit mo siya iniiwasan?" sabi ko at pinanliitan siya ng mata.
"Hindi ka pa nakakamove on?" dagdag ko
"What? No" sabi niya nang nakakunot ang noo.
"E, ano?"
"Hindi ko siya iniiwasan okay, let's just not talk about her" gigil niyang sabi sa'kin and give me a quick kiss on my lips which startled me.
Pakiramdam ko sa halik niyang 'yon natunaw ang pagkainis at selos ko.
"Don't bring her up again hmm, hindi ko alam kung nasaan siya, I already cut my connection to her since the day that we broke up kaya wala akong balita sa kaniya, she is leaving her life and I am too,"
"Just focus on me" he said
He gets my arms and encircled it around his nape.
"nagulat ako" I said
Tinawanan niya ako and give me another kiss but this time it's gently and passionate.
SUMMER pass quickly, in a blink of an eye it's another school year again but we are already in last year of senior high school.
"New classmates?" I asked sabay tingin sa mga hindi pamilyar na mukha na nasa loob ng classroom.
"Galing daw sa ibang strand 'yong iba, naglipat, tamang tama makikipag friends ako at irereto ko si Matt, finally!" she said like she won a lottery.
"baliw ka ba?" natatawang tanong ni Matt
"Ayaw mo?" she asked and made a sad face.
"Aba Lily matured matured," pagbibiro ko sa kaniya.
"Bakit baby pa nga ako eh," she said raising her eyebrow
Kinilabutan ako sa sinabi niyang 'yon. "Cringe"
Matt burst out laughing, so I can't help but to laugh too!
"Napaka sama niyo sa'kin"
Since first week pa lang ng klase wala pa kaming masyadong ginawa, just the 'iconic' introduce your freaking self in front.
Bigla akong nanlumo nang oras na ng dismissal. I remember that me and my sister are fighting.
"Milktea?" tanong ni Lily sa'ming dalawa ni Matt. "Lets g" siya rin ang sumagot.
"Wala kayong lakad ng boyfriend mo?" tanong ni Matt
"Wala" she said in singsong.
Pumagitna siya sa amin ni Matt and hook her arms on ours.
"Everything fades away, let it go by with a flow~" she started singing while swaying her body.
"Really wish I could sta--"
Napahinto siya sa pagkanta pati na rin sa paglalakad nang makita kung sino ang naghihintay sa labas ng classroom namin.
I released my arm at nilapitan siya.
"Sabi mo may presentation ka bukas, kailangan mong magreview" sabi ko sa kaniya.
He chuckled and pull me into a hug. I placed my hands on his waist and slightly lean on his chest.
"Yeah, but I wanted to see you bago ako magreview" he whispered.
"Ehem!" malakas na sabi ni Lily "Bawal ang PDA gusto niyo bang madala sa guidance?"
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kaniya at sumandal sa railings ng school.
"Mukhang tayo ang destined magdate ngayon Matt" she said at malakas na tinapik si Matt sa likod.
Hinawakan iyon ni Matt and just laugh, pero makikita mo ang sakit sa mukha niya.
"Lils gagi ka masakit 'yon, naluluha na siya oh" I said at tinuro si Matt.
Mabilis na tinignan niya sa Matt at niyakap ito.
"Hindi masakit" he said
"Sige na ako na manglilibre ngayon" pag aamo niya kay dito at hinila na papaalis si Matt.
Callen walked me home. He keeps on babbling on how he ace all thier exams and about his grades na puro uno.
"Naks," I said
"Ang talino"
"Of course, proud ka na ba?" he said
"I am!" I said and laugh.
Nang makarating kami sa bahay, hinarap ko siya and kissed his cheek.
"Goodluck sa presentation mo" I said and slight pinch my hand.
Nag iinit ang pisngi ko sa ginawa ko.
"I'll probably do well tomorrow because of that" he said.
He moved closer to me, he held nape, I close my eyes when he gently kissed my forehead.
"Goodnight"