"'wag ka ng magreview, kopya na lang tayo kay Matt," sabi ni Lily at tumawa.
Hindi ko itinaas ang ulo ko at sinubukang mag focus.
"Bad influence kang kaibigan Lils," Sabi ni Matt at umiling iling.
Hindi ko sila pinakinggan at patuloy lang sa pagbabasa ng notes.
"Ang seryoso mo d'yan Dayne, up to ten lang ang quiz," rinig kong sabi ni Lily.
"Bagong buhay na 'ko Lils, hindi na 'ko papetiks petiks gaya mo," sabi ko at tinignan siya.
Binigyan ko siya ng mapang asar na ngiti.
"Wow," she said ridiculously, "Edi magrereview rin ako." sabi niya at nilabas ang notes niya.
Tumawa ako at umling.
We are currently in the classroom. Hinihintay ang prof, nagrereview, dahil nag announce siya last week na magpapaquiz siya ngayon.
"Baka hindi ako maka graduate at magalit si baby pie," sambit niya.
"Baby pie?" sabay naming sabi ni Matt at nilingon siya.
"That's so cringe Lils," I said and burst out laughing.
"Baby pie amp."
"Hoy, sige aabangan ko mga tawag niyo sa magiging jowa niyo," sabi niya at sumimangot.
The whole quiz I am trying hard not to laugh 'cause the 'baby pie' keeps on repeating in my head. At kada magkakatinginan ko ang isa sa kanila nagtatawanan kami. The teacher even said that we are cheating.
"Ang bubully niyo sakin," kibit balikat na sabi ni Lily pagkatapos mag quiz, kumuha kami ng upuan at humarap sa kaniya.
Habang nagsasalita si Matt, she raised her hand to stop him.
"Wait," she said at nilabas ang phone niya
"Ano ba yan," nakasimangot niyang sabi
"Akala ko 'yong jowa ko na, sino nanaman 'tong babaeng 'to!" sigaw niya at tinignan ng masama si Matt.
Probably one of the girls na nagkakagusto nanaman sa kaniya.
"Matt! Ginugulo nanaman ako ng mga 'to, mga siraulo hindi ako girlfriend ni Matt," gigil niyang sabi habang nagt-type.
Ah. Mga crazy girls ni Matt
"Picturan ko kayo at 'yon ang ikakalat ko sa social media—"
"Ano?" I said at tinaasan siya ng kilay.
Nakipagtitigan siya sa akin habang nanliliit ang mata at mabilis na pinicturan kami.
"Ay ang panget, isa pa," reklamo niya habang nakasimangot na nakatingin sa cellphone niya.
"Baliw 'to," sabi kay kay Matt habang nakaturo kay Lily
"Ayan!"
"Hoy,"
"Matt's best friend ilalagay ko, aba hindi pwedeng ako lang ginugulo ng mga 'to Dayne,"
Magsasalita pa sana ako nang magsalita uli siya.
"Ikaw Matt anong itatawag mo sa future girlfriend mo?" Lily asks out of the blue.
"By her name," Matt said casually.
Dahil may isang oras kaming vacant ngayon, we decided na tumambay muna dito sa bench malapit sa canteen. Maganda ang pwesto doon dahil hindi mainit.
"Ang boring mo naman kaya wala kang jowa eh," sabi sa kaniya ni Lily.
"Kung saan siya komportable syempre," dagdag ni Matt
"Ikaw Dayne?" tanong sakin ni Lily, hindi pinapakinggan ang sinabi ni Matt.
"By his name din," sabi ko at nag apir kami ni Matt.
Lily looked at me with an annoyed face. She looked pissed.
"Ang boring niyong dalawa, kawawa si Callen sayo," sabi niya sa akin
"Hoy!" pagalit kong sabi sa kaniya, medyo nakaka offend 'yon, slight.
"At kawawa magiging jowa mo Matt nako,"
"Ang hilarious kaya ng baby pie," sabi ni Matt at sabay kaming nagtawanan.
Masakit na ang tiyan ko sa kakatawa, naiiyak na rin ako. Sumandal ako sa balikat ni Matt dahil mas komportable doon.
"Hoy, gano'n talaga kapag inlove, parang hindi ka naman in love Dayne," sabi niya
Naginit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Kapag inlove ka kasi wala na, sa kaniya na talaga iikot 'yong mundo mo, kaya kahit clingy para sa inyo, sa amin hindi dahil nga inlove kayo, lahat haharapin niyo, lahat titiisin dahil nga mahal mo,"
"Kahit inaabuso ka na 'no? Kahit sinasaktan ka na," biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Matt, biglang nag iba ang ihip ng hangin sa loob.
"Akala mo ba hindi ko napapansin na laging kang nakasuot ng jacket o long sleeve kahit mainit? Tsinetyempuhan ko lang 'yang boyfriend mo."
Ngumiwi siya at nag iwas ng tingin.
Kahit paulit ulit niyang sabihin sa 'min na hindi ang boyfriend niya ang may gawa niyan sa kaniya, hindi na kami maniniwala.
"Dapat alam mo din kung kailan ka hihinto Lily, lalo na kapag ang pinaguusapan na ay ang sarili mo," dagdag ni Matt.
We already gave her a ton of advice but nandoon pa rin siya, but I can't blame her, she must really love that person.
"MATT si Lily?" tanong ko sa kaniya.
"Nakita ko sa college department kanina, imbes na mag flag ceremony ay nandoon kasama ang boyfriend niya." medyo inis na sambit niya.
"Ouch!" tinignan ko kaagad kung sino ang nakatapak sa akin.
Medyo chubby girl, naka ponytail siya at naka make up rin. Kaagad naman siyang humingi ng dispensa sa akin.
Katatapos lang ng flag ceremony at pabalik na kami sa mga room namin, siksikan nga lang dahil halos dumadaan ang mga estudyante sa iisang direkayon.
"Dito ka kasi,"
Hinawakan ni Matt ang balikat ko at inusog ako sa tabi niya. Siksikan at halos walang usad ang mga estudyante.
"Hindi ba siya 'yong nasa picture?" narinig kong bulong ng kung sino sa likod ko
"Iyan ba 'yong girlfriend ?"
I encircled my arm around Matt's waist, held his hand on my shoulder at pakunwaring humiga sa balikat niya.
Para inisin sila.
Aa soon as I heard them gasp mabilis akong lumingon sa kanila at tinignan sila ng masama.
"Hindi ako girlfriend ni Matt kaya pwede tigilan nyo ang pagmemessage sa 'kin? 'yong boyfriend ko nasa college,"
It's a lie hindi ko pa boyfriend si Callen.
"Sorry po," sabi ng dalawa at umalis na sa likod ko.
"'yong mga fangirls mo Matt pag ako nainis irereveal ko na bakla ka," pang aasar ko.
Nagulat siya sa sinabi ko, pero kahit na gano’n nagawa niya pa rin tumawa ng mahina.
"Hindi ako bakla," sabi niya at kinurot ang magkabilang pisngi ko.
"Ay hindi ba?" kunwaring nagulat kong tanong sa kaniya.
KINUHA ko ang mini mirror sa bag ko at tinignan kung presentable ba ang itsura ko bago ko ito ibinalik sa bag ko.
These past few days he's been busy, may upcoming exam siya kaya hindi kami madalas magkita, pero lagi naman niya akong tinetext kaya okay lang. Now I am planning to surprise him.
Pumunta ako sa library ng school kung saan siya nag aaral, wala ng masyadong tao sa library dahil medyo madilim na at kanina pa nag uwian ng mga estudyante. Late lang talaga nagdismiss ang prof namin kaya naisipan ko siyang puntahan.
Nakita ko siyang nakaupo mag isa sa isang table habang maraming libro ang nasa lamesa pero isa lang ang nakabukas sa harap niya.
Nakahawak siya sa sentido niya at nakapikit ang mata habang may binibigkas siyang mga salita na hindi ko marinig dahil malayo ako.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at paupo na sana nang magmulat siya ng mata kaya napahinto ako. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ako which I find it cute.
Nagkatinginan kami sandali bago ako nagsalita. "Hi!" sabi ko at tuluyan nang umupo sa harap niya.
"Akala ko naka uwi ka na," mahinang sabi niya
"Surfries!" I said and raised my two hands na kunwaring naghagis ng confetti.
I saw how he smiled, revealing his perfect white teeth.
"Wait kita," sabi ko at tinagilid ang ulo ko para sinubukang basahin ang binabasa niya.
Kumunot ang noo ko.
"Puro numbers…" bulong ko, wala akong maintindihan, how I hate Math.
"Let's go,"
Nagulat ako when he suddenly closed the book and started to pack up.
"Huy, magreview ka lang, kaya ko namang maghintay, baka bumagsak ka," humina ang mga huling salita ko.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin? I can ace my exams, now, let's go, babawi ako," sabi niya at hinila ang kamay ko.
"NAGPAALAM ka?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa park.
"Hindi," sabi ko.
Nang silipin ko ang epresyon niya. Mukha niya akong pinapagalitan sa mga titig niya.
"Magpaalam ka," sabi niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si ate na kasama ko si Callen para kung sakaling gabihin ako ng uwi ay hindi sila mag alala.
"Picture tayo dito!" turo ko sa dancing fountain.
Inilandscape ko ang cellphone ko para makita kaming dalawa.
He put his hand on my shoulder and smile. Nang makarinig ako ng click, iniba ko naman ang angulo ng mukha ko.
"Tumingin ka sa camera huwag sa akin," sabi ko.
Nakikita ko kasi sa camera na sa akin siya nakatingin at hindi sa cellphone.
Inosente niya akong tinignan."Smile!" mabilis kong sabi at mabilis din siyang kinuhanan ng picture. I chuckled nang makita ang ito.
Mabuti nalang at malinis ang d**o doon dahil wala kaming sapin na mauupuan.
Sari-saring mga street foods ang dala niyang pagbalik niya. Inipit ko ang palda ko para hindi ito hanginin.
Inilatag ko ang panyo ko at doon niya nilagay ang mga binili niya.
"Thank you," I said
Sininop ko ang buhok ko at nilagay ito sa likuran ko at nagsimula ng kainin ang binili niya.
"Wait here," sabi niya sa akin .
Tumayo siya at may pinuntahan saglit, pagbalik niya hindi ko mawari kung ano ang binili.
Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa pumuwesto siya sa likod ko at inipon ang buhok ko.
He gently combed my hair using his hand and tied it. He did a bun pero maluwag iyon but I appreciate his effort.
"Thank you," I said,
"Cheers!" kunwaring sabi ko at itinaas ang softdrinks. Gumuhit agad ang sakit sa lalamunan ko nang inumin ito.
Sa ilang araw naming paglabas labas ay hindi na ako nahihiya sa harapan niya, mas naging komportable na ako sa kaniya ngayon.
Naabutan ko siyang nakatingin sa akin kaya umayos ako ng upo and eat with class, mahirap na baka ma turn off 'to. Nakita ko ang pigil na ngiti niya.
"We used to be here every week, noong nandito pa si Mama," sabi niya at tumingin sa itaas kung saan mayroong fireworks na nagaganap.
Nagrereflect ito sa salamin at kaniyang mata.
"We used to wait for the fireworks too, here,"
You can see the sincerity and loneliness in his eyes.
"Kaso lang no'ng nawala siya hindi na uli kami nakapunta dito, naging busy si rin kasi Papa dahil siya na lang mag isa ang naghahandle ng business namin," humina nag boses niya.
Does that mean that he is always alone?
I stretch my arm and tap slowly his shoulder, just to make him feel better. Nakikita ko kasing nangingilid na 'yong luha niya.
"Pero okay lang naiintindihan ko si papa at tsaka," he said at inabot ang kamay ko at dinala ito sa mga labi niya.
Naramdaman ko kaagad ang bilis ng t***k ng puso ko nang gawin niya 'yon.
"Nandito ka naman, it's more than enough,"
My heart raced.
While looking at him right now I've realized so many things. With those smiles, and snob eyes, he is soft inside.
I see how he can be a sweet, caring, sincere and gentle person.
He is the person who just entered my life out of nowhere and now he suddenly means a lot to me.
Right at that moment, where there are lights above us, in this cold breeze and a lot of people surrounding us I know that I'm falling for him. . .