Chapter 13: Talo
“WELCOME to Royal Club, Blaise,” Jaive uttered when we arrived na sa clubhouse ng best friend niya. Malapit lang pala ito sa subdivision na tinutuluyan nila. That’s why na always siyang pumupunta rito. But still, nag-w-wonder pa rin ako if ano ang ginagawa niya here.
Kasi imposible kung wala, hindi ba? Ayoko lang talaga na mag-overthink too much. I wanted to know the truth. May right naman siguro ako, ’no? Kahit hindi ko pa boyfriend si Jaive, he’s my suitor at nasa akin ang decision if sasagutin ko na siya at magiging official na ang relationship namin.
“Ang ganda pala nito. Ilang floor ba ito?” I asked him habang pinapasadahan ko ito nang tingin.
“10th floor lang, may VIP room sila at puwede ka rin na matulog dito of you want,” paliwanag niya sa akin.
“So, if natatagalan ka na rito ay hindi ka na umuuwi sa house ninyo?” curious kong tanong na mabilis niyang inilingan.
“Hahanapin ako ni Rish kapag hindi ako umuwi. Ako kasi ang nagpapatulog sa kanya, eh,” aniya and that’s made me smile.
“You’re such a good father of Irish,” sabi ko na nasa boses ang pagka-proud ko sa kanya.
“Kaya bakit ba nag-iisip ka ng kung ano-ano? Alam mo naman na hindi ko iyon ginagawa, ha. Wala akong babae maliban sa inyo ni Anderly Irish,” umiiling na saad niya.
“May nabasa lang kasi ako na article about you. Na always ka raw nakikita sa clubhouse na ito. So, na-curious ako if ano rin ang ginagawa mo kasi never ka rin naman daw na nakita na may ka-date na isang babae, eh,” ani ko na tinanguan niya.
“Believe that,” he said. “Let’s get inside, Blaise?”
“Okay.”
Magkahawak-kamay kami at magkasiklop pa ang mga daliri namin. Iginiya niya ako papasok sa malaking bar na ito. Nakabukas daw ito hanggang 8 nang umaga at magbubukas naman bukas sa bandang 6PM naman.
Ang ganda nga sa loob kahit maingay ang background dahil sa lakas ng music sa loob. Pero wala man lang akong nakikita na kahit ano’ng smoke from cigarette. Puro kasiyahan lang ng mga customer. Hindi siya magulo tingnan kahit na marami pang mga tao sa loob. Maayos na maayos talaga.
Para wala namang makakilala sa akin ay nakasuot sa ulo ko ang sumbrero ng hoodie ko at nakalabas ang mahaba kong buhok para matakpan din nito ang mukha ko. Si Jaive mismo ang nag-ayos no’n. Concern din siya sa akin. Ayaw niya raw na ma-stress ako kapag kumalat ang issue na may kasama akong isang lalaki.
Tinanggal ni Jaive ang pagkakahawak ng aming kamay at binalingan ko siya dahil doon pero lumipat lang pala iyon sa baywang ko. Sa laking tao niya ay parang ang liit ko lang sa mga bisig niya. Hanggang leeg niya nga lang ako, eh.
“Jaive? Hey, bro!” May isang matangkad na lalaki naman ang lumapit sa amin at nakipag-fist bump ito kay Jaive. Guwapo rin siya at malakas din ang sèx appeal niya. Isa kaya siya sa best friend ni Jaive? “Whoa! First time kitang nakita na may kasama kang babae ngayon, bro!” Wew, that’s it. Sinabi na rin ng truth na wala nga siyang babae rito sa club.
“Ssh, she’s not just my girl.” Jaive hissed him.
“Eh, sino naman ang kasama mo? Ipakilala mo naman, bro.” Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang tingnan ko rin ang lalaki. Nahihiya ako, eh. May face pa naman ako na naka-upload sa internet dahil na rin sa interview para sa family ko. Natatakot ako na baka may makakilala sa akin.
“Secret,” tipid na sagot lang ni Jaive sa kanya. “Gagamitin namin ang billiards, ah? Bawal kayong pumasok doon,” sabi pa niya at napangisi ito. Na parang alam na niya ang gagawin namin. Hays, ang green niyang mag-thought, ha. Wala kaming gagawin.
“Wow... Parang may bago ka ng hobby ngayon, bro ah,” he said pa. Ano na naman ang hobby?
“Baby, this is the owner of this club. Kimmy Cardinal, my best friend since grade school.” Kimmy, how cute. Parang pangalan din ng girl, ah. But bagay naman sa kanya.
“Hi, Miss?” Naglahad ng palad niya ang lalaki at tatanggapin ko na sana iyon but hinila na ako ni Jaive. He’s friendly pa naman. Itong si Jaive, oh.
“No one can touch my girl, Kimmy. Ako lang,” Jaive warned his friend. Umawang na nga ang labi nito sa super shock niya because ganoon lang ang ginawa nito sa kanya.
“Nice meeting you, Mr. Kimmy,” I told him at napangiti rin siya sa huli.
“Enjoy the night, guys!” bulalas niya.
Pumasok kami sa isang blue room at nakita ko na isa nga iyong billiards. Hindi lang iyon nag-iisa dahil marami pa siya. Kaya naman pala malaki, eh. Ang dami ring naka-display na balls at maganda sa loob.
Mayroon din na mini-bar at doon lumapit si Jaive. Sumunod ako sa kanya at umupo ako sa highchair. Siya naman ay nasa counter na. He seems bartender lang kasi puting v-neck t-shirt ang suot niya at tinanggal na niya ang brown moto racer jacket niya. Quiff ang hairstyle niya na may brownish highlight. Mas gumwapo lang siya sa paningin ko.
“What do you want to drink, love?” Jaive asked me at napatingin ako sa mga wine na nasa likod niya.
Nangalumbaba pa ako dahil wala naman akong maisip na gugustuhin kong drinks dahil never akong uminom ng alcohol. Hindi dahil strict ang parents ko but hindi ko rin naman gusto. But on second thought ayoko rin naman talaga na ma-disappoint sila.
“Ewan ko. Hindi ako umiinom niyan, Jaive at ayokong tikman dahil pagagalitan ako ng parents ko. Especially my elder brothers,” I said at itinukod niya ang dalawang braso niya sa counter saka niya ako naninimbang na tinitigan. If nakatitig siya sa akin ay parang isa lang akong babasagin na palamuti. May pag-iingat kasi iyon, ay.
“Isa ka talagang masunurin na anak. Bad influence ba ako sa ’yo, Blaise?” nakangiting tanong niya at dumukwang siya para patakan ako ng halik sa mga labi ko. Pumulupot agad ang mga braso ko sa leeg niya at mas lumalalim ang aming halikan nang sabayan ko ang mga galaw niya.
Sa pagkagat lang niya sa labi ko at sa paghaplos sa batok ko ay may nabubuhay na naman ng kung ano sa loob ng system ko. Ako rin ang unang pumutol sa halikan naming dalawa na mabilis pa niyang hinabol pero natatawang itinulak ko na lang siya sa dibdib niya. Ang intense lang kasi.
“No, honey. Stop it. Turuan mo muna ako na mag-billiard and besides hindi ka naman bad influence sa akin,” ani ko at ngumuso pa ako.
“Okay, baby,” sabi niya at kumuha siya ng wine glass para mag-mix na ng wine niya. “A juice for my Blaise,” sabi niya sabay bigay sa akin ng strawberry juice. Napangiti ako. Ang sarap ng aroma nito, eh.
“Thank you,” sambit ko at sumimsim agad ako. May maliit na strawberry rin siya. Kinuha ko iyon at sinubo. Nginuya ko na iyon nang kinabig ni Jaive ang batok ko at siniil niya ako ng halik. Kinagat na naman niya ang pang-ibabang labi ko saka niya ipinasok ang dila niya sa bibig ko. Nang mahulaan ko ang gagawin niya ay hinarangan ko ang dila niya pero nang bumaba na naman ang kamay niya sa dibdib ko ay nakuha ng dila niya ang strawberry saka niya pinakawalan ang labi ko. Unfair! Na-distract ako ro’n, ah! “Jaive naman! Akin iyon, eh!” reklamo ko.
Ngumunguya na siya at napangisi lang siya sa akin. Sumimangot ako at inilabas niya ang dila niya. Nakita ko na ang kinagatan kong strawberry. Inirapan ko siya. Hindi ko na iyon kukunin pa. Kinuha ko ang drinks ko saka ko siya iniwan doon.
Lumapit ako sa isang billiard at ipinatong ko roon ang wine glass. Nasa counter pa rin si Jaive na sumisimsim na ng wine. Hinubad ko ang black hoodie ko at kasama na ang puting t-shirt ko. Kaya naiwan ang puting strap sando ko. Kumindat pa ako sa kanya at sunod ko namang hinubad ang jogger pants ko. May suot kasi ako na red shorts. Sinadya kong isuot ito para sa kanya.
Kinuha ko ang stick nang may dinikit naman sa akin from behind. Sumiksik siya agad sa leeg ko. Ang bilis talaga niya at nakalapit agad. Kaunti na lang ay maniniwala na ako na isa siyang vampire. Na nag-e-exist talaga ang mga ganoong nilalang.
“Are you teasing me, Blaise?” he asked me in a husky voice. His hand ay nasa hita ko na naman at humihimas. Tumindig pa ang balahibo ko.
“Can’t you stop doing this muna, Jaive? Ang landi-landi mo talaga, ha,” ani ko at tinabig ko ang kamay niya pero idiniin niya lamang ako sa billiard. “Ouch, Jaive!” Sinamaan ko pa siya nang tingin.
“What if... I’ll take you tonight?”
“Don’t. Turuan mo muna ako,” sabi ko at inabot ko ang mga bola. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka siya kumilos at tinuruan niya ako.
Napapangiti ako nang nakukuha ko ang mga itinuro niya sa akin. Salubong ang kilay niya dahil fast learner daw ako. Now alam na niya.
“Let’s have a dare, Blaise,” seryoso sabi niya. Hinawi ko pa ang buhok ko sa pisngi ko. Malakas naman ang aircon pero pinagpapawisan ako.
“What dare?” I asked him and tinira ko ang isang red ball. Pasok agad ito.
“Let’s play this. Kung sino ang may maraming bola ay siya ang panalo at bibigyan siya ng rewards,” sabi niya na at napukaw nito ang interest ko.
“Like if mag-wish tayo? Ganoon ang rewards na ibibigay?” inosenteng tanong ko sa kanya na mabilis niyang tinanguan. “Okay!” excited na sabi ko. “Sino ang mauuna sa atin?” I asked him at ipinakita niya sa akin ang malaking palad niya. “But who but who pick?”
“Smart kid.”
“Excuse me? I’m not kid na kaya!” sigaw ko sa kanya.
Itinapat na niya sa akin ang kamao niya and he’s ready na so I did my parts naman. Napanguso pa ako nang makita ko na maliit ang kamao ko compared sa kanya.
“Ready, Blaise?” he asked me and I nodded. Taas noo pa nga ako, eh.
“But who but who pick! What?! You’re so madaya, Jaive!” reklamo ko dahil hindi niya man lang ibinuka ang kamao niya.
“Madaya ako? Ikaw ang talo, love. See that, gunting iyong sa ’yo at sa akin naman ay bato,” nakangising sabi niya kaya mas lalong hindi ko tanggap ang pagkapanalo ko.
“Ni hindi man lang bumukas ang palad mo!” ani ko.
“Okay, uulitin natin,” naiiling na sabi niya at nag-agree naman ako.
Iniba ko na nga iyong akin at ginawa kong papel pero sa kanya gunting!
“Ginaya mo lang ang ginawa ko kanina, Jaive! Still madaya ka!”
“What? Talo ka ulit, eh. Papel iyong sa ’yo at sa akin naman ay gunting.”
“Isa pa! Ulitin natin!” Pinisil niya ang tungki ng ilong niya at tumango lang pero natalo pa rin ako sa huli.
“Don’t pout your lips, Blaise. Hindi ka lang talaga marunong sa ganito. Bato iyong ginawa ko kanina dahil alam kong gunting naman iyong sa ’yo. Tapos aakalain mo na bato pa rin ang gagamitin ko ay ginawa mo namang papel para matalo mo ako. Tapos hayon isusunod mo lang ang ginamit ko kaya natalo ka ulit,” paliwanag pa niya at nang makita niyang nagpadyak ako sa floor ay natatawang nilapitan niya ako.
Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo ko at mahigpit akong niyakap. Hindi ko tanggap iyon. Bakit marunong siya sa ganoon at bakit ako hindi?!
“Ni hindi ka man lang nagparaya!” sigaw ko.
“Laban natin ito. Bakit ako magpaparaya kahit babae ka?” nakangising tanong pa niya at mariin na hinalikan ang balikat ko. “Ako ang unang maglalaro. Bago ang baby ko,” mayabang na sabi pa niya.
“Sabagay, hindi pa naman huli ang laban. Mayroon pa! Ikaw lang ang mauunang maglaro!” sigaw ko sa kanya ngunit humalakhak na naman siya.