Sa halip na dumiretso sa Restaurant ay naisipan ko na dumaan muna sa Mall para mag ikot-ikot at nagbabakasakaling makahanap ng magagandang bagay na puwede kong bilhin para sa sarili ko. Ngayon ko lang napansin na matagal na pala akong hindi nakakapunta sa Mall sa sobrang busy ko sa trabaho. Una kong pinuntahan ay ang baking supplies kung saan maraming mga bagong gamit para sa pagluluto pero nang maalala ko na wala nga pala akong dala na sariling sasakyan ay umalis rin ako bago pa man ako makakita ng bagay na magustuhan kong bilhin. Masiyado iyong mabigat at magiging hassle 'yon kapag nag-commute ako kaya naisipan ko na sa ibang araw na lang ako babalik dito kapag may dala na akong sasakyan. Pumunta na lamang ako sa bilihan ng mga damit at nagtingin-tingin ng magagandang dress. Halos mara

