Chapter 35 Jesirey’s Pov NASA LOOB na kami ng coffee shop at hinayaan ko lang si Demetri na umupo muna at inutusan ang isa kong staff na ipagtimpla siya ng kape. Hindi ko na siya sinama sa office ko dahil kailangan kong mag isip. Hindi ko alam kung sino ang bumangga sa ‘kin. Kung kalaban ko ba o ka team ko. Kailangan ko din gamutin ang sugat ko sa balikat dahil nilagyan ko lang ito ng double-double na tissue para lang hindi tumagos ang dugo. Kulang nalang ay wag kong idikit ang katawan ko sa suot ko. Nilock ko ang pinto upang makasiguro ako na hindi niya mabubuksan at makita ako na ginagamot ang sarili ko. Nang gigil ako sa taong bumangga sa ‘kin. Magbabayad talaga siya sa ginawa niya. Masakit ang ginawa niya kaya masakit din ang gagawin ko sa kanya. May first aid kit sa office k

