Chapter 51 Demetrius Pov HINDI AKO mapakali habang hinihintay ang pagbalik nila Honey. Nililigtas nila si Jesirey. Gusto kong sumama ngunit ayaw naman nila akong pasamahin at baka mapahamak daw ako. Gusto kong ako mismo ang magligtas sa babaeng mahal ko ngunit panira si Honey. Totoo din naman ang sinasabi niya na baka ikapahamak ko pa lalo na kung hindi ako sanay makipag p*****n. Pero handa akong mamatay mailigtas ko lang si Jesirey. Halos sinisi ko ang aking sarili dahil hindi ko man lang na protektahan ang babaeng mahal ko. Hindi ko siya nasagip. Napaka walang kwenta kong tao dahil hinayaan kong kunin siya ng mga pangkat niya dati. Kahit nasaksak ako ay mas gugustuhin ko paring sumama sa kanila ni Honey. Nang magising ako kanina ay nasa paligid ko na si Val at Love. Maayos na din

