Chapter 38 Jesirey’s Pov NAGISING AKO na may kakaibang naaamoy. Agad kong idinilat ang mata ko at puting kisame ang nakita ko at puting pader. Inilibot ko ang aking tingin at paligid at napansin na nasa hospital ako. Sigurado ako do’n kahit pa nga hindi ako pumupunta ng hospital. Ngayon na may boyfriend akong doctor ay hindi ko talaga malulusutan ‘to. Alam kong nag aalala si Demetrius sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kapag nagtanong siya kung anong nangyari sa ‘kin. Dapat ko na sigurong sabihin sa kanya ang totoo. Oras na siguro para malaman niyang masamang agent ako. Bahala na kung hindi man niya ako matanggap. Basta ang mahalaga ay masabi ko sa kanya ang totoo kong pagkatao. Natigilan ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pintuan ng hospital room ko. Nak

