Chapter 19 Jesirey’s Pov NAGAMOT na ang sugat ko at nasa loob ako ng maliit na clinic kung saan ako nagpadala kay Gray. Ginamot agad ang sugat ko at nagpapagaling na lamang ako. Gusto ko na sanang umuwi sa bahay ko at doon na lamang magpagaling. Baka matuluyan lang ako dito kapag nandito ako sa clinic ni Hayes. Kanina pa niya ako minumura dahil ang tanga ko naman daw. Mga doctor talaga namin dito mahilig magmura eh. Napabuga ako ng hangin ng maalala ko ang nangyari. Mabuti nalang talaga at red ang buhok ng kalaban ko kaya naalala ko siya. Katulad namin ay maingat kami kapag nasa labanan. Kaya kapag umaatake kami ay kailangan may cover ang mukha namin. Hindi pwedeng wala. Pero lugi sa ‘kin ang pangkat ng lalaking may pulang buhok dahil nasunda ko na dati si Honey. Alam ko ang pangal

