Chapter 74 Jesirey’s Pov NAGTAGAL PA ang pagiging katulong ni Evelyn dito sa bahay ni Demetri at mas lalo lang lumalala ang pagiging feelingera niya. Gusto kong matawa kapag nag aalala siya kay Demetri na para bang girlfriend siya. Pero kapag nasa kwarto na kami ni Demetri at natatawa na lamang kaming dalawa. Talagang napaghahalataan siya na malaki ang gusto niya kay Demetri. Gusto ko sana siyang sampalin pero mas nakakatawa talaga kapag pinagmukhang tanga ang babae. Hanggang ngayon ay wala parin siyang alam na sinasakyan lang ni Demetri ang panglalandi niya. May pinaplano kasi akong napakaganda para kay Evelyn. Nandito ako ngayon sa kusina at nakatitig ako kay Evelyn na nagluluto ng ulam. Hapunan na naman mamaya at pauwi na naman si Demetri. Nalaman lang ng babae na uuwi na si Demet

