“Tita, parang kailangan natin ng pregnancy test.” Nagulat ako sa sinabi ni Lovie pero hindi ako makapagsalita dahil muli akong nagsuka. Ngayon ang yati ay talagang gumagalaw na papalayo sa isla at hindi ko naman ma-explain kung ano ang nararamdaman ko. Nang tuluyan akong natapos ay napatingin ako kay Mama. Hindi siyang mukhang gulat, hindi siya mukhang galit, parang wala lang siyang narinig mula kay Lovie na may posibilidad na buntis ako. Naghihintay ako ng galit niya. Naghihintay ako sa sasabihin niya. Ready naman ako e, dahil alam kong kasalanan ko rin naman ang lahat ng ito. “Pagkadaong natin sa espanya, pupunta tayo sa hospital.” iyon lamang ang sinabi niya, walang bahid ng galit doon. Ramdam ko ang paghaplos niya braso ko at tinulungan si Lovie na ipasok ako sa loob ng yati. D

