“Ang boring naman ng event na ‘to, uwi na tayo, Mommy!” sabay ng pagnguso ni Reign at hinila pa ang suot kong dress. Napatingin naman sa akin si Lovie bago napatingin sa anak ko. Sha was sitting on her father’s lap while her eyes darted on the chocolate fountain. Habang itong anak ko naman ay kanina pa todo ng reklamo. Kung hindi ang suot niyang dress ang nirereklamo niya ay iyong paligid naman. Sasabihin niyang mainit daw kahit hindi naman talaga too iyon dahil sa lakas ng aircon. Sasabihin niyang ring pangit ang event o ‘di kaya kagaya ngayon na boring na naman ang sinabi. Wala pa akong may itinanong sa kanya dahil ayaw kong gumawa ng eksena rito. Reign is smart yet hard headed. Kapag ayaw niya talaga ang isang bagay ay ayaw talaga niya. Kapag gusto naman niya gusto niya talaga. Min

