“Mister Carter, I didn’t bought another canvas so please don’t mess with my painting!” reklamo niya kay Carter pagkatapos nitong ayusin ang isang bahagi ng ulap na ginagawa. Habang nagbabangayan ang dalawa ay kumakain naman ako. Sinusubuan ko rin paminsan minsan si Reign dahil hindi pa talaga ito kumakain. Ang dalang pagkain ni Carter iyong kinain namin. Nagdadalawang isip pa nga ako kanina pero sayang naman kasi kung itatapon niya lang din dahil kumain na raw siya kanina. Muling lumapit sa akin si Reign at sinubuan ko siya. Nang bumalik sa inuupuan ay masama niyang tinignan si Carter dahil nakita nitong minimix ng maayos ang paints niya. Malaki pa ang pisngi dahil sa kinakain. “I told you, don’t touch my paints, Mister Carter.” “Okay, I’ll stop.” sabay taas ni Carter ng kanyang kam

