“I need you here. At my house. Right now.” Kaagad kong pinatay ang tawag at sunod kong tinext sa kanya ang lugar kung nasaan man kami ngayon. Napatingin tingin ako sa paligid, ramdam ko kasi ang takot sa buong katawan ko habang kami lang dalawa ni Reign ang nandito. Hindi ko kayang dalawa lang kami ang narito ngayon. Halos isang oras din ang nakalibas bago ako nakarinig sa labas. Muli kong tinawag si Carter, nang ma kumperma na siya iyong nasa labas ay kaagad akong nagtungo roon. Pagbukas ko ay bumungad siya sa akin. Magulo na ang kaninang maayos na buhok. Isang puting t-shirt lang ang suot niya at pinares sa itim na pantalon. Nagkatinginan kami saglit dahil parang nawala ang takot ko nang makita siya ngayon sa harapan ko. I let him in. Hindi ko alam kung saan kami magsisimula kaya

