“Carter…” Napatingin sa akin si Carter at mukhang nag-aalala na binalikan ako sa Villa. Agad niyang sinakop ang mukha ko. “Are you really okay, baby?” nag-aalala niyang tanong. Tipid akong tumango bilang tugon sa kanya at sumama na sa kanya. Malayo pa man pero ramdam ko na kaagad ang kakaibang hangin. Napakagat ako ng labi habang naglalakad kami papunta sa habang lamesa para kakain ng umagahan. Mamayang hapon na iyong kasal at medyo mabilisan lang daw iyong umagahan namin para makapaghanda na kami pagkatapos. Pinag ekis ko ang aking kamay sa aking dibdib at ramdam ko ang paghawak ni Carter sa aking beywang nang makalapit na kami. I saw the two vacant chairs between Lorenzo and Allison. Nakita ko ang pag angat ng kilay ni Allison nang nasa harapan na kami. Hindi naman ako tatabi sa

