Hindi natuloy ang pagsalin ng upuan ni Lorenzo at nanatili roon sa inuupuan. Hindi pa rin natigil sa pagsalita ang anak ko at kinakausap ang mga lalaki. Nagtatanong pa ng kung ano-ano, mabuti na lamang ay sinasagot naman nila iyon. Kuryoso si Reign sa kanilang lahat kaya napakaraming tanong. Nagugulat nga ako minsan dahil si Carter ay tinatanong din niya ngunit tumatango lamang sa sagot at iyong iba na naman ang tinatanong, hindi man lang binibigyan ng pagkakataong mag usap sila ni Carter. Minsan ay natatakot ako at baka mahalata talaga siya ni Carter sa mga ginawa niya. Unfair kasi siya sa lalaki at baka kung ano ang pumasok sa isipan no’n. Hindi ibig sabihin na sinabi niya sa mga lalaki na may asawa na ako ay paniniwalaan na nila ang anak ko. Ramdam ko kasi sa titig nila sa akin na h

