Hindi ko mapigilang hindi mapatingin tingin sa gawi nila Carter habang naglalakad kami pababa ng eroplano. We just landed here in Spain after fourteen hours of travel. Akala ko nga ay makakaramdam ako ng pagod o ‘di kaya ay jetlag dahil sa tagal ng byahe pero dahil na rin siguro sa kompotable na higaan at isama pa si Carter ay parang hindi ko naramdaman iyon. Akala ko rin ay makakaramdam ulit ako nang pagkailang pagkatapos ang halikan namin pero kakaiba ang naramdaman ko pagkatapos no’n at tuluyan pa nga akong tumabi sa kanya. Pagkababa ay doon ako parang napaso para hindi kami makita ng mga kaibigan niya sa gano’ng lagay at parang nakuha niya naman ang punto ko at sinunod ang gusto ko. Kasalukuyan na kami ngayong paalis ng airport. Katabi ko Ishmael at nauna naman ang iba sa amin. M

