Magmula noong huminto siya sa tapat ng mga reporters ay hindi na siya nagsalita. Huminto lang siya saglit at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap. Ayoko din naman siyang iapproach dahil iba ang mood niya ngayon. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Ang mga mata niya ay malungkot at tila nasasaktan pero kapag nakikita niya ako ay nagiging blangko naman agad ito. Hindi ko alam pero feeling ko may kinalaman ang pangalang Bianca ? At bakit siya nagkakaganito? You okay?" tanong ko sa kaniya ng hindi na ako makatiis. Mahigit tatlong pong minuto na kaming bumabyahe ngunit hindi parin kami nakakapagusap. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng malamya. Ang mata nito ay hindi mo makikitaan ng buhay, blanko ang mga ito. Ang mga ngiti ay hindi totoong m

