GAYA ng nakagawian ng pamilya ni Franco ay nasa mansion na naman sila para sa family dinner. At nanatili muna silansa mansion pagkatapos nilang mag-dinner. At nang sandaling iyon ay nasa garden silang lahat. Magkasama silang mga babae, samantalang magkakasama naman ang mga lalaki. Nasa kabilang table lang naman ang mga ito. Sa katunayan naririnig din nila ang pinag-uusapan sa lapit nila. And it’s about business they’re talking about. Hindi katulad ng pinag-uusapan nilang mga babae, ramdom things lang. At mayamaya ay inalis ni Alyssa ang tingin kay Ate Denisse na nagku-kwento nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng suot na pantalon. Kinuha naman ni Alyssa ang cellphone na nasa bulsa ng suot na pantalon para tingnan kung sino ang nagpadala ng text message s

