TALAGANG pinanindigan ni Alyssa ang pagdistansiya kay Franco dahil kapag tumatawag ito sa kanya para makipagkita ay nag-a-alibi siya na busy. Hindi lang iyon ang ginagawa niya, kapag pumupunta din ito mg condo ay hindi niya ito pinagbubuksan. At hinahayaan lang niya ito sa labas hanggang sa tuluyan itong umalis. Sa totoo lang sa ginagawa niyang pag-iwas kay Franco ay siya ang nasasaktan. Pero kailangan niya iyong gawin kung ayaw niyang mas lalo siyang masaktan kapag mas lalong nahulog ang loob niya dito. At mukhang napansin din ni Franco ang naging pag-iwas niya dahil hindi na siya nito muling tinawagan, hindi na din ito nagpunta ng condo niya. Sa halip nga na matuwa dahil sa wakas ay hindi na siya ang iiwas dito ay mas lalo pang bumigat ang nararamdaman niya dahil hindi na din nagpa

