NAPAUNGOL si Alyssa nang magising siya kinabukasan. Hindi nga din niya napigilan na tumaas ang isang kamay para sapuhin ang ulo dahil sobrang nananakit iyon. Para nga iyong binibiyak dahil sa sobrang kirot. At alam niya ang dahilan kung bakit sobrang kirot ng ulo niya. Dahil iyon sa ininom niya kagabi, dalawang bote lang naman ng alak ang ininom niya pero dahil mababa lang ang tolerance niya sa alak ay madali lang siyang nalasing. Kaya nga iniiwasan ni Alyssa ang uminon ng alak dahil do'n. Hindi nga din niya napigilan na mapangiwi ni Alyssa nang muli na namang sumirit ang kirot sa ulo niya. Shit! Hinding-hindi na talaga siya iinom ng alak. Saglit nga ding nanatili si Alyssa sa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata. Inalala nga din niya kung ano ang nangyari kagabi

