NARAMDAMAM ni Alyssa ang pananakit ng kanyang katawan ng magising siya kinabuksan. At alam na ni Alyssa ang dahilan kung bakit nananakit ang katawan niya. Dahil iyon sa paulit-ulit na pag-angkin ni Franco sa kanya. Inakala nga din ni Alyssa na hindi na naman siya makakabangon o makakapaglakad gaya na lang ng unang beses siyang inangkin ng lalaki pero nagkamali siya dahil naigagalaw naman niya ang katawan kahit na medyo nananakit iyon. And even now, she could still smell Franco’s scent lingering on her body, as if his fragrance had clung to her skin. At hindi maipaliwanag ni Alyssa kung bakit wala siyang nararamdaman ngayong pagsisisi sa pagbibigay muli ng sarili kay Franco, siguro dahil ginusto niya iyon at pwedeng-pwede naman niya itong pigilan sa gusto nitong mangyari. Pero sa halip n

