NANLALAKI pa din ang mga mata ni Alyssa habang nararamdaman niya ang paggalaw ng labi ni Franco sa ibabaw ng labi niya. At dahil mulat ay kitang-kita niya ang nakapikit na mga mata ni Franco habang hinahalikan nito ang labi niya. At mayamaya ay dahan-dahan na ding pumipikit ang mga mata niya. At nang kagatin ni Franco ng mahina ang ibabang labi ay hindi niya napigilan ang impit na mapaungol. At hindi na nga din niya napigilan na ibuka ang bibig para bigyan ng kalayaan si Franco na halikan ang labi niya. At nang naramdaman nito iyon ay mas lalo lang nitong pinailalim ang paghalik sa kanya. Franco’s kiss deepened, growing more intense with every second. Gumapang na nga din ang mga kamay niya patungo sa batok nito, pumulupot nga din iyon doon. Kailangan kasing gawin iyon ni Alyssa dahil p

